LA TRINIDAD, Benguet
Binunot at sinunog ng mga mga tauhan ng Benguet Police Provincial Office ang tatlong plantasyon ng marijuana na may halagang P7,520,000.00 sa bayan ng Kibungan, Benguet,noong Nobyembre 26. Ayon kay Col. Joseph Bayongasan, provincial director, tinatayang nasa 37,600 piraso ng FGMJP na may Standard Drug Price na PhP7,520,000.00 ang natagpuan sa 4,700 metro kwadrado ng plantasyon sa Barangay Badeo, Kibungan. Ang maghapong operasyon ay isinagawa ng magkasanib na operatiba ng 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company,
Kibungan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit ng Benguet PPO, Regional Intelligence Division ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (CAR), at ang Philippine Drug Enforcement Agency-CAR. Lahat ng natuklasang halaman ng marijuana ay naidokumento, binunot, at sinunog sa lugar, habang ang sapat na mga sample ay kinuha para isumite sa Regional Forensic Unit-CAR. Ang Benguet PPO ay aktibong tinutunton ang mga posibleng magsasaka at may-ari ng ari-arian upang makilala sila at panagutin sila.
Zaldy Comanda/ABN
November 30, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024