P70M binunot na marijuana, sinunog

TINGLAYAN, Kalinga – Tinatayang nasa P70 milyon ang halaga ng binunot saka sinunog na nasa 337,700 fully-grown marijuana ng mga pinagsanib na pwersa ng PNP stations at Philippine Drug Enforcement Agency sa ilalim ng “Oplan Green Pearl Alpha” noong Huwebes ng umaga, Marso 28 sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Police Major Willy Dumansi, hepe ng PNP Tinglayan, tatlong araw na ang kanilang ginugol sa operasyon at maging ang 20,000 gramo ng dried marijuana stalks at 5,000 grams dried marijuana leaves ay kanila ding sinunog.

Dagdag pa nito na limang plantation sites ang kanilang sinira at pang walong marijuana eradication operation na ang isinagawa ng PDEA at PNP Cordillera.

Francis Soriano/ABN

Amianan Balita Ngayon