P81.9 milyong marijuana, sinunog sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga – Nakawasak ng mahigit sa P81.9 milyong halaga ng marijuana plants sa magkasunod eradication na isingawa ng Kalinga Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera,kasama ang ibang ahensya ng pamahalaan sa kabundukan ng Tinglayan,Kalinga.
Nabatid kay Kalinga PPO Provincial Director Davy Limmong, sa latest marijuana eradication sa ilalim ng Oplan Dragonfly, noong Mayo 12 hanggang Mayo 14,ay pinagbubunot ang may 80,000 fully grown marijuana plants na nakatanim sa may 8,000 sqm land sa may bisinidad ng Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Bukod dito ay nasamsam din ang 210 kilograms na marijuana stalks, na may kabuuang halagang P41, 200,000.
Noong Mayo 9, inakyat ng mga kapulisan ang Mount Chumanchil sa ilalim ng Oplan “FIREFLY” at winasak ang may P40.7 milyong tanim na marijuana.
Ang Mount Chumanchil ay isa sa pinakamataas na kabundukan sa Tinglayan, Kalinga, na kilalang plantasyon ng high-grade marijuana plants.
Ayon kay Limmong, tatlong plantation sites ang apat na araw na pinagbubunot ang may 88,400 fully grown marijuana plants at nadamsam ang 165 marijuana dried leaves, 60 kilograms marijuana seeds at 15 kilograms marijuana stalks na may kabuusng halagang P40,780,000.00 ang pinagbubunot at sinunog sa lugar.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon