P872-M KINAKAILANGAN SA REPAIR NG MGA NASIRANG CLASSROOMS SA CORDILLERA

BAGUIO CITY

Ipinahayag ng Department of Education [DepEd]-Cordillera na kakailanganin ng halagang P872 milyon para maisaayos ang mga nasirang paaralan, dulot ng bagyong ‘Egay” sa iba’t ibang lalawgan sa rehiyon. Sa pinakahuling datos, nasa 216 silid aralan ang grabeng napinsala, 717 silid aralan ang bahagyang nasira at umabot naman sa 878 silid aralan ang di-gaanong napinsala. Sa ulat Cyrille Gaye Miranda, Public Affairs Unit, ng DepEd Cordillera, na bagamat malaki ang iniwang pinsala ng
bagyong Egay sa mga eskwelahan, ay puspusan pa rin ang paghahanda ng lahat ng mga eskwelahan para sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa rehiyon sa darating na Agosto 29.

Aniya, sa tulong ng ibatibang stakeholders at mga ahensya tulad ng PNP, DepEd at iba pang mga private companies, ay tuloy tuloy pa rin ang isinasagawang Brigada Eskwela,para sa unti-unting
pagsasaayps ng ga nasirang silid-aralan. Ayon kay Miranda, malaking bagay ang bayanihan at pagtutulungan ngayong nalalapit na ang pagbabalik ng klase. Pansamantala munang magkakaroon ng mga temporary learning spaces, o tent-style, makeshift learning classrooms upang maituloy ang mga klase habang di pa naaayos ang mga school buildings na nasira ng bagyong Egay sa Abra, Apayao, Mountain province, at Benguet.

John Mark Malitao/UC-Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon