Pacman, magre-resign na sa Senado? Ows?

Nov 25, 2017

Maryusep, totoo ba ang tsismis na magreresign si Sen. Manny Pacman Pacquiao? Maria-kusina impusipos! Ano bang kabag, este, ihip ng hangin ire? Di kaya siya nakakain ng limang kilong kamote and along mani, mais at gatas ng kalabaw? Malaking palaisipan ito, pards. Siya na sing-linis daw ng bukal na tubig ang kanyang record sa Senado dahil walang ulat ng kakurakutan laban sa kanya? Siya na walang bisyo kundi boksing lang at tumulong sa mga mahihirap? Siya na walang hilig sa chicks, teka teka, huwag na nating uriratin ire, baka magwala si Jinky. Basta ang uupakan natin ay kung bakit siya magbibitiw bilang senador.

******
Nagsimula ang kontrobersiya nang may lumabas na mensahe mula kay Pacman na sinakyan naman ng media at mga mahilig sa epalan. Pinag-iisipan na raw niyang mag-resign bilang senador dahil nadidismaya na raw siya sa mga “destabilizer” sa gobyerno at sa maruming mundo ng pulitika. Upak agad ng mga manunupalpal: bakit, kailan ba naging malinis ang pulitika sa bansa? Sabi nga ng mga laging talunan: pag nanalo raw sila, malinis ang eleksiyon; pero pag sila’y natalo – dinaya raw sila. Yan ang dalawang mukha ng eleksiyon, sabi nila. May panalo, kasi raw ay nandaya, at may natalo kasi walang perang ipandaya. Sus ginoo! Ito ba ang inaayawan ni Sen. Pacquiao? Kailan ba siya nasilang? Pilipino ba siya na tumira sa Pilipinas? Bakit ngayon lang niya alam ire? Bakit pa daw siya pumasok sa pulitika eh, talagang ganyan na yan? Sabat naman ng maurirat na mahilig sa sports: bakit sa boksing, wala kayang dayaan? Husme, malalim talaga ang isyu sa balak na pagbibitiw ni Pacman.

******
Dismayado raw siya sa mga pulitikong walang puso at mataas ang pinag-aralan pero wala namang silbi. Matindi ang upak, hane? Banat ng ilan: e, siya (Pacman) malinis nga siya bilang senador, hindi nangungurakot dahil mayaman na (sa pagboboksing) pero ano bang nagawa niya bilang senador? Galit siya sa mga trapo at mga matatalino pero puros kasiraan naman ng bayan ang ginagawa at sarili lang nila (daw) ang alam na bida. Hirit naman ng ilan: bakit daw magreresign si Pacman, eh, kung ang turing niya ay malinis siya, matino at hindi trapo, bakit siya aalis? Di daw ba, mas maigi na may matino upang umupak sa mga bulok sa gobyerno? Dagdag pa nila: totoong may mga nasa puwesto na mataas ang pinag-aralan ngunit ginagamit naman ito sa kasamaan sa halip na sa kabutihan at kaginhawaan ng bayan. Mabuti pa raw ang simpleng tao kahit mangmang ngunit nakakatulong naman sa sambayanan. Masakit kasi na may mga mambabatas na animo’y kagalang-galang pero tone-tonelada naman ang kanyang kabulukan dahil nangungurakot sa kaban ng bayan.

******
Kontrobersiyang malaki kapag mga kilalang tao ang kumakambiyo, di ba? Pero kung maliit ka at hindi kilala, kahit pa magladlad ka, walang papansin. Tingnan na lang natin ang mga iniimbestigahang tao ngayon. Di ba ang tataas ng pinag-aralan. Sobrang talino na kahit bukilya na, kaya pa ring makagawa ng palusot. Sinong hindi madidismaya? Pero teka, pards, may nasisilip ang ilan sa mga analyst: hindi raw kaya nagpapraktis na si Manny para sa kanyang ambisyong tumakbo sa pagka-presidente ng bansa? Whaattt??? Sabagay, may ulat noon na ganire, pards. Walang makakapigil sa sinumang gustong tumakbo sa pagkapangulo. Kahit nga si PNP Chief Bato, nagbiro din na para bagang gusto ring tumakbo for president. May karapatan ang lahat na pumasok sa pulitika. Pero maalaala ko ang tapik noon ng yumao kong lolo: iwasan ang sobrang tayog na lipad dahil kapag ika’y bumagsak, pati lapida mo, wasak! Sa panig namin, resign na ang utak sa mga patutsadang hungkag! Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest