PAG AMBUSH SA MGA SUNDALO SA ABRA, KINONDENA NG PROCOR

CAMP DANGWA, Benguet — Mariing kinokondena ng Police Regional Office -Cordillera (PROCOR) ang ginawang pagambus ng Communist Terrorist Group (CTG) laban sa mga tauhan ng 24th Infantry Battalion ng Philippine Army na naghahanda para sa Disaster Response Operation (DRO),na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang sundalo, na sugatan ang isa at isa ang nawawala sa Barangay Gacab, Malibcong, Abra, noong umaga ng Okyubre 27.

Ayon kay BGen.Mafelino Bazar,regional director, agad siyang nag-utos ng deployment ng mga pulis sa mga karatig-lugar para magsagawa ng interdiction operations upang mahuli ang mga posibleng salarin.
Ang mga army troopers ay nagsasagawa ng Disaster Response Operation (DRO), para makatulong sa mga apektado ng lindol na tumama sa lalawigan ng Abra noong gabi ng Oktubre 25.

“Nakakasakit ng damdamin na malaman na muli tayong nawalan ng dalawang buhay ng ating mga kapatid, at habang nakikiramay tayo sa kanilang mga pamilya, nananawagan din tayo para sa hustisya at kapayapaan. “We [PROCOR] vowed to be the protectors of peace and defenders of the weak, but we also needed cooperation and help from the public, sa mga nakakaalam sa brutal na insidenteng ito, nananawagan po kami sa inyong tulong para mabigyan ng hustisya ang mga biktima,’panawagan ni Bazar.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon