PAGBABAGO NG KLIMA: TAO ANG SANHI, TAO RIN ANG AAYOS

Ang laki ng ambag ng tao sa modernong pandaigdigang pag-init (global warming) ay mainit na pinagdedebatehang usapin sa pangkating pulitikal, lalo na sa mayayamang bansa. Ipinakita sa maraming mga pag-aaral na mahigit 90 porsiyento ng mga siyentipiko na pinag-aralan ang klima ng mundo ay sumang-ayon na umiinit ang mundo at ang mga tao ang siyang pangunahing dahilan.

Ang gawang-tao na polusyon ay siyang pangunahing sanhi ng pagbabago ng klima at ito ay magiging mas mapanganib sa hinaharap kung hindi tayo aaksiyon. Karamihan ng nangungunang mga ahensiya sa siyensya ay iniindorso ang palagay na ito. Sa 2013 fifth assessment report ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ay sinabi nitong malamang na higit kalahati ng naobserbahang pagtaas sa global average surface temperature mula rqong 1951 hanggang 2010 ay dulot ng mga aktibidad ng tao.

Ibig sabihin ay, nasa pagitan ng 95 porsiyento at 100 porsiyento ang probabilidad na mahigit sa kalahati ng modernong paginit ay dahil sa mga tao. Gaano ba kalala ang magiging epekto ng pagbabaho sa klima? Ayon sa mga eksperto ay depende ito sa kung gaano ka-agresibo nating tutugunan ang pagbabago ng klima. Kung patuloy ang tao na magkibit-balikat na lamang, baka sa katapusan ng siglo ay sobrang init na
kung lumabas ng bahay.

Ang maraming islang bansa at mabababang-lugar ay lalagpasan na ng mga tumataas na dagat. Ito ay kumplikado, ngunit ang batayang mensahe ay simple lamang na kung hindi ito papansinin ay malamang na palalain ang umiiral na di-pagkakapantay-pantay. Ang mga mahihirap na bansa (kabilang ang Pilipinas) ang pinakamatinding tatamaan, kahit pa sa kasaysayan ay naglalabas lamang ng katiting ng greenhouse gas na sanhi ng pag-init.

Dahil maraming hindi maunlad na mga bansa ay nasa tropikong rehiyon kung saan ang karagdagang pag-init ay palalalain ang klima na hindi na makakayanan ng mga tao at mga tanim. Mas madaling tamaan ang mga bansang ito, gaya ng malaking populasyon na nasa baybayin at mga taong naninirahan sa mahihinang bahay na madaling masira ng mga bagyo. Gayundin, may mas kaunting pondo na gagamitin na kinakailangan para sa mas mahal na pamamaraan, gaya ng pagbabago sa disenyo bg mga lungsod, pagsasa-ayos sa mga baybayin at baguhin ang pagtatanim at paggawa ng pagkain.

Ngayon, sa pagitan ng 1961 at 2000 ay lumitaw na pininsala ng pagbabago ng klima ang mga ekonomiya ng pinakamahihirap na bansa habang pinaparami ang kayamanan ng mga pinakamayayaman na bansa na silang nagdulot ng pinakamalaking sanhi ng problema.  Kahit sa loob ng mayayamang bansa, ang mahihirap at isinasantabi ang pinaka-nagdurusa. Ang mga mabababa ang kita ay mas kaunti ang bentahe kaysa malalaki ang kita dahil mas malamang na tumira sila sa mas mainit pamayanan at trabaho sa labas, kung saan hinaharap nila ang epekto ng pagbabago ng klima.

Gaya ng ipinamalas ng pandemya ng coronavirus, ang mga kalamidad sa isang lugar ay madaling rumagasa sa ating pandaigdigang ekonomiya. Halimbawa, inaasahan ng mga siyentipiko na sa pagbabago ng klima ay tataas ang posibilidad ng maramihang paghina ng ani na mangyayari ng sabay-sabay sa iba’t-ibang lugar, na magbubunsod ng isang krisis ng pagkain sa buong mundo.  Kasama pa rito na kung mas mainit ang panahon ay nakakatulong ito sa paglaganap ng mga nakakahawang sakit at mga tagapagdala na naglilipat ng mga ito, gaya ng mga pulgas at lamok.

Tinukoy din ng pag-aaral ang nakababahalang pagkakaugnay sa pagitan ng tumataas na temperatura at tumataas na interpersonal na karahasan, at ang pagbabago ng klima ay malawak na kinilala bilang isang pampadami ng banta na nagpapataas sa polibilidad ng mas higit na away sa loob at pagitan ng mga bansa. Sa madaling salita, magdudulot ang pagbabago ng klima ng maraming pagbabago na walang halaga ng salapi ang makakapigil.

Walang iba kundi ang mabilis na pagbuga ng greenhouse gas mula sa mga aktibidad ng tao ay lubos na makakapagpaliwanag ang bigla at malaking pagtaas sa pandaigdigang pagbabago ng klima. Ang makakatulong lang sa atin ay umaksiyon upang malimitahan ang pag-init. Noong Abril 2021 ay inanunsiyo ng Climate Change Commission (CCC) na itinatag ng Philippine Climate Change Act na bilang bahagi ng pangako nito sa Paris Agreement on Climate Change, ay bonabago nito ang hanagarin na ibaba ang gas emissions ng 75% sa taong 2030, tumaas mula sa target na 70% na itinakda noong 2016.

Kaugnay ng sunod-sunod na pananalasa ng nag-iibang pagdating ng malalakas na bagyo sa Pilipinas ay iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangang paigtingin ang pagtatanim ng mga punong-kahoy lalo na sa mga nakakalbong bundok at mga lugar na malimit gumuho. Isang paulit-ulit na kampanya na kalimitang nababalewala – ngayon matututo na kaya tayo? Tao ang sumisira ng kapaligiran kaya dapat tao rin ang kumumpuni nito.

COURTESY VISIT

Amianan Balita Ngayon