Pagbibigay ng discount sa mga solo parent, isinusulong

Apr 25, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Sa pangunguna ni Bise Alkalde Edison Bilog ay isinusulong sa lungsod ang pagbibigay ng discounts sa mga solo parents na may sahod na mababa pa sa P250,000.
Ayon sa Gabriela Womens Party, ang solo parent ay isa sa mga marurupok na miyembro ng lipunan dahil bilang tagapangalaga ng kanilang mga anak nang nag-iisa ay isang mahirap na trabaho lalo na sa kahirapan sa ekonomiya, kawalan ng trabaho at inflation.
Sa kagustuhan ng pamahalaang lokal na makasabay ang mga solo parent sa mga gastusin at edukasyon ng kanilang mga anak ay dapat magkaroon ng benepisyo sa mga solo parents sa pamamagitan ng 10 porsyentong discount upang mabawasan ang pasanin sa mag-isang pagpapalaki ng anak at upang masiguro na ang kanilang mga anak ay mabigyan ng oportunidad para sa magandang kinabukasan.
“Layunin nito na matulungan natin ang mga solo parent dito sa lungsod ng Baguio sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng benepisyo,” ani Bilog.
Ayon pa sa kanya, mayroong apat na uri ng tulong para sa solo parents. Una ay ang programa sa pangkabuhayan na bibigyang prayoridad ang mga solo parent na sumali sa mga ganitong programa. Pangalawa, ay ang paglalagay ng solo parent assistance desk sa lahat ng barangay dito sa lungsod kasama na rito ang pagkakaroon ng pagkakataon na bumuo ng kanilang organisasyon bilang isang solo parent. Ikatlo ay ang funeral o death benefit para sa mga namatay na solo parent o anak nila na kapag natural death ay bibigyan ng gobyerno ng P10,000 at kung accidental death naman ay may P20,000. Lalo na kapag ang solo parent ay namatay, makakatanggap ang kanyang anak na menor de edad ng P5,000 at karagdagang benepisyo. Ang pang-apat ay ang discount kung saan lahat ng mga binibili nila para sa mga gatas ng bata, gamot at pagpapakonsulta sa doktor at iba pang bilihin ay mabibigyan ng 10 porsyentong discount.
Ang makakatanggap ng 10 porsyentong discount ay ang mga residente ng lungsod ng Baguio at may mababang sahod o annual income na P250,000 o mababa pa. Kailangan lamang kumpletuhin ang kaukulang requirements para sa mga nais mag-avail o magrehistro na maaring dumulog sa tanggapan ng gobyerno.
Samantala, may karampatang parusa ang nakahain para sa mga lalabag sa ordinansa na may multang P5,000 para sa mga magpepeke ng dokumentong nagsasaad na sila ay solo parent.
Ang naturang proposed ordinance ay pumasa na sa unang pagbasa sa Sangguniang Panlungsod. Liezel Eunice Callejo, UC Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest