Pagbubukas ng Kennon Road sa maliliit na sasakyan, bawas trapiko

Jan 10, 2019

Iginiit ng lokal na pamahalaan na ang pagbubukas ng Kennon Road sa light vehicles ay makakatulong sa pagpapaluwag sa traffic congestions sa Marcos highway at iba pang kalsadang patungo sa Baguio City, lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga bisita para sa 24th edition ng Panagbenga sa Pebrero 2019, ang taunang alumni homecoming ng Philippine Military Academy (PMA), mga graduation rites ng magkakaibang unibersidad at kolehiyo, at sa paggunita ng Semana Santa at summer vacation sa lungsod.
Sinabi ni Mayor Mauricio G. Domogan na ang Kennon Road ay nagtamo ng mas malalang pinsala bunsod ng natural calamities mula pa noong July 16,1990 killer earthquake ngunit ito ay agad naibukas sa vehicular traffic kaya walang rason ang Department of Public Works and Highways-Cordillera (DPWH-CAR) at mga nagpapatupad ng proyekto nito para maantala ang pagbubukas ng kalsada sa light vehicles.
Inihayag ng mayor na ang isyu na inirereklamo ng publiko ay ang masyadong mahabang panahon na pagsasara ng Kennon Road, maliban pa sa usad-kuhol na pagpapatupad sa rehabilitation projects sa naturang kalsada.
“We cannot afford to continue closing Kennon Road to vehicular traffic because it will create a negative impact on the city’s tourism industry.
While the DPWH was able to open another access road leading to Baguio city, the opening of Kennon road to light vehicles is still necessary the soonest,” ani Domogan.
Ang Kennon Road ay nananatiling pinakamaikling daan mula at patungo sa lungsod ng Baguio dahil maaaring lakbayin ang 23- kilometrong kalsada nang mas mababa sa isang oras habang mahigit isang oras naman kung dadaan sa Marcos highway o sa bagong bukas na Tubao-Nangalisan-Baguio road.
Ayon sa mayor, hindi makatwiran para sa mga opisyal ng DPWH-CAR na irason na ang central office lamang ang may kapangyarihan na ibukas ang isinara nito dahil nawawalan ng kwenta ang pagkakaroon ng regional office ng ahensya kung isasaalang-alang na dapat itong magbigay ng nauukol na payo sa mas mataas na otoridad sa kung ano ang dapat na gawin.
Nauna rito, nakita ng DPWH-CAR at Bureau of Design ang 9 critical sections ng Kennon road na kailangang isailalim sa rehabilitasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista matapos na malalang napinsala ang mga naturang bahagi ng kalsada sa isang buwang habagat noong Agosto, at pananalasa ng mga bagyong Ompong at Rosita noong Setyembre at Oktubre.
Maliban sa shotcreting ng klondikes section ng kalsada, ang iba pang proyektong ginagawa sa Kennon road ay ang paglalagay ng Camp 5 bridge, repair at rehabilitation ng mga tulay sa Camp 1 at Camp 6, at ang slope protection wall projects sa magkakaibang bahagi na naapektuhan ng mga nagdaang sama ng panahon.
BAGUIO PIO/ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest