PAGGUNITA NG UNDAS NAGING MAPAYAPA SA CORDILLERA

BAGUIO CITY

Iniulat ni Brig. Gen. David Peredo,Jr., regional director ng Police Regional Office-Cordillera, na naging peaceful ang paggunita ng Undas sa buong rehiyon ng Cordillera. Ayon kay Peredo, malaking tulong ang ang ikinalat na 1,200 kapulisan na nangangalaga sa bawat public at private cemeteries, mga buses at mga tourist destinations sa rehiyon.
Pinangunahan di ni Peredo ang pag-inspection, kasama ang command group sa mga cemeteries,buses at parks, para
alamin ang sitwasyon ng mga naka-deploy na kapulisan para siguraduhin na ginagampanan nila na pangalagaan ang
seguridad ng mga bibisita sa loob ng sementeryo.

Aniya, bagamat maulan ang araw ng Undas ay naobserbahan niya na kakaunti ang dumalaw sa sementeryo, subalit patuloy umano ang kapulisan na magbabantay hanggang sa araw ng linggo. Bago nagsimula ang inspection ay binisita ni Peredo ang BCPO Tactical Operation Center,para tignan ang kabuuang sitwasyon ng mga naka-deploy na kapulisan sa mga bus terminal,parks at traffic situation sa central business district area.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon