Paghahanap sa ‘cleanest barangay’, inihahanda

LUNGSOD NG BAGUIO – Kinumpirma ni Mayor Mauricio Domogan ang pag-usad ng “Cleanest Baranggay Contest” ngayong taon.
Kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng kaliwa’t kanang ban sa lungsod upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan hanggang sa pinakamaliit na bahagi ng pamayanan ay ang pagkasa ng paghahanap sa Cleanest Baranggay.
Ito ay upang mahikayat ang bawat barangay ng lungsod na maging malinis sa kanilang kapaligiran.
Bagaman wala pang final na criteria sa naturang kompetisyon, sinabi ng mayor na ito ay ibabatay sa iba’t ibang ipinatutupad ng lungsod para sa maayos at malinis na kapaligiran tulad ng waste management, waste segregation, at pagbabawal sa mga asong gala. Pati na rin ang pagpapanatili at papalago ng mga seedlings na manggagaling sa SM.
Ayon sa mayor, ito ang magsisilbing hamon sa mga baranggay ng lungsod na sikaping maideklarang “Cleanest Baranggay”. Aubrey Morales, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon