Paghahanda sa 2022 budget ng lungsod para sa “New Normal” mag-uumpisa sa Hulyo

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang paghahanda para sa 2022 budget ng lungsod na ikokonsidera ang “new normal” matapos ang pandemya sa coronavirus-2019 ay magsisimula sa susunod na buwan ayon kay city budget officer Atty. Leticia Clemente sa flag-raising ceremony noong Lunes sa City Hall sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong.
“We also anticipate a change and re-structuring of our organization and services as more functions are expected to be devolved by the national government as a result of the Supreme Court’s decision in the Mandanas case,” aniya. Ipinapaliwanag ng Mandanas Doctrine na ang bahagi mula sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng local government units (LGUs) ay hindi ipinuwera ang ibang national taxes gaya ng customs duties.
Tinatanggap ni Clemente ang pagtaas sa IRA, na ngayon ay tinatawag bilang National Tax Allotment (NATA) ng mga LGU ng hanggang 56.79 porsiyento.
Gayunman, hindi siya sigurado kung ang pagtaas ay masasakop ang lahat ng kinakailangan ng trabaho na iaatang dahil ang mga panuntunan ay aaprubahan pa lamang ng Pangulo.
“Definitely, belt-tightening policies will continue in the upcoming budget preparation. Despite the rigid financial challenges, this should not stifle innovation and creativity as long as prudence is exercised in the process,” aniya.
Sa lahat ng mga pagbabago na nangyayari, panahon na para sa pagbubulay-bulay kung ano at paano binago ng pandemya ang ating mga buhay at ibang mga sektor, dagdag ni Clemente.
Sinabi niya na ngayon ang angkop na panahon para sa pamahalaang lungsod na samasamang lumikha ng mas mabuting balangkas at ayusin muli ang mga proyekto, programa at aktibidad (PPAs) upang makaagapay sa kasalukuyang sitwasyon at paghandaan ang hinaharap.
“Our plans and budget preparations will be geared towards economic recovery and resilience,” paniniguro ni Clemente.
(GBK-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon