Pagkainis at Stress ng mga Tao Epekto ng Pandemya at Iba Pa

Tapik ni Tonying

Naimbag nga agsapa ti Domingo tayo amin nga kailyak ditoy Amianan a luzon sapay koma ta surviving tayo pay laban itti daytoy nga pandemya nga Covid-19 ket kasla mettern awan panaggibus  daytoy nga virus umaaaddu met ti kaso haan lang nga ditoy Baguio City uray ti kaaruba tayo nga probinsya ti La Union, Mt.Province ken Abra.

Ikarragrag tayo ken Apo Hesus kailyan ta sapay koma nga sumangpet ti agas nga vaccine tapnu makalmaa met ti panagpanpanunot ti tunggal maysa kanya tayo.. Ala ngarod let us say Amen. ***

Sa paglilibot ko nitong nakaraang mga araw mayroon akong mga nakausap na mga kakilala na halos magpunos sa galit sa nagaganap na sitwasyon ngayon na nasa gitna tayo ng pandemya ang iba naman ay nakakaranas na ng pagka inis at stress yung iba nga e depression pa.

Unang senaryo na nakita ko sa isang paradahan ng jeep papuntang Camp 7 na kung saan ay hindi nagkaintindihan ang pasahero at ang drayber na na uuwi sa sagutan ng kapwa pasahero. Ito ay nagsimula sa presyo ng pamasahe hindi ngat medyo itinaas ang pamasahe halimbawa P10.00 ginawang P20 dahil nga hindi na napupuno ang jeep gawa ng physical distancing. May nakalagay na “tip box” ayon sa isang babaeng pasahero sa nagbayad na isang pasahero dapat daw magbigay din ng tip na ingalan ng nasabing pasahero na aniya doble na nga ang pamasahe e mag tip pa ba?

Ayon na nagsimula na ang medyo mainit na sagutan ng dalawang babaeng pasahero at dun sumabat ang drayber na ang “tip box” ay hindi naman obligado magbigay ang mga pasahero kaya aniya wag na kayung mag away. Sa tingin ko dahil sa hirap na rin ng buhay at kakulangan ng “kita” ng mga tao at kawalan ng trabaho dahil nga isinara ito ng national government na sa tingin ko ay upang Pahirapan ang sambayang Pilipino idagdag mo pa diyan maniningiol ng buwis ang gobyerno hindi ba nakaka stress wala ka na nga negosyo, o trabaho sisingilin ka pa ng buwis aba e buksan niyo ang mga negosyo ng mga negosyante upang makabayad ng buwis at makapag trabaho ang mga tao.

Naiinis na rin ang ilang taga Baguio dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 na gawa ng mag “pasaway” na mga kababayan. Itong week na ito ay tumaas ang kaso na umabot sa 25 na kaso ng Covid 19 at halos 16 na barangay ang nailagay sa “lockdown”. Nalilito na ang mga tao dahil na rin sa pabalik -balik na sitwasyon ng bansa andyan na MECQ , GCQ at ECQ mayroon pang “Low Risk” na sitwasyon .. takot, pangamba at pagdududa sa gobyerno ang tila nasa isipan ng mga tao dahil ayon sa mga kumakalat na balita sa mga facebook at messenger na ang sakit ay hindi virus kundi bacteria na ayon sa bansang Italy ito ay bacteria na madaling magamot. I

Ito ay naging statement ng Italy matapos umanong magsagawa ng autopsiya ang mga duktor sa 20 na namatay gawa ng Covid-19 at dito nila isinagawa ang bagong plano kung paano ang gagawin gamutan sa mga taong may Covid-19. Ito rin ang hinihiling ng ilang mga duktor ng bansa na sumulat sila kay Pangulong Duterte ng “Time Out” at repasuhin ang sistema ng paggamot sa mga taong may Covid 19 dahil tila raw hindi nababawasan ang kaso kundi lalo pa itong tumaas. Ngunit ito ay hindi pinakinggan ni Digong kundi pinagalitan pa ang mga duktor at nanakot pa
na pulis at sundalo ang siyang mag duty sa mga ospital.. no comment naman ang AFP at PNP hehehe!!
***
Good news mga kabayan ko sa Baguio City nagpasa na ng ordinansa si Councilor Betty Lourdes Tabanda na humihiling ng P50 milyon na pondo na pambili ng vaccine ng Covid-19 aba e magandang balita nga ito at sana aprubahan ito ng kanyang mga kasama sa konseho suportahan mo yan Councilor Vlad Cayabas, Art Alad-iw, Mylen Yaranon Pacoy Ortega.

Abangan natin mga kababayan ang magiging resulta ng panukalang ito ni Councilor Tabanda.