Pagkatapos ng lahat…balik na sa dating pagkakaibigan

Editorial

Isa sa pangunahing puna hinggil sa kasalukuyang pababago sa politikal na komunikasyon ay ang nakapagtuturo o nagbibigay ng impormasyon, nakatutok-sa-polisiya na mga kampanya ay napapalitan na ng negatibo at hanap-away.

Ang mga pagpuna at alalahanin ukol sa kakulangan ng diwa o sustansiya ng politikal na debate ay nagiging isa sa mga pangunahing pokus ng pagsusuri ng politikal na proseso ng mga demokrasya, bagaman ang mga alalahanin na ito ay laging umiiral sa mga modernong politikal na mga kampanya at ng kanilang representasyon na mga media.

Ang napakahalagang tanong sa likod ng mga argumentong ito ay kung paano na ang mga istilong ito ng politikal na komunikasyon ay nakakaapekto sa mamamayan at kanilang mga desisyon na binibigyan-kahulugan ng proseso ng demokrasya.

Ang kakulangan ba ng sustansiya ng polisiya ay nangangahulugang ang mga botante ay hindi makakagawa ng may kabatirang mga pagpapasiya? Ang isang lubhang negatibo at di-sibilisadong politikal na debate ba ay inihihiwalay sila mula sa politika?

Ang uri ba ng politikal na komunikasyong ganito ay may mas lalong mga epekto sa lipunan? Sa kabila ng mga pagpunang ito ang epekto ng negatibong pangangampanya ay hindi kasing liwanag ng pangkalahatang pagpuna na ang parehong mga negatibong epekto at pagiging mabisa ay laging pinagtatalunan.

Bakit pinipili ng mga artistang politikal na atakihin ang kanilang mga kalaban at kung paano ito nakakaapekto sa mga botante. Higit sa paglaganap nito at ang katotohanan na ang mga partido at kanilang mga tagapayo ay naniniwala na nakakatulong ito na makakuha ng mga boto at ang negatibong pangangampanya ay maaaring matulungan o saktan ang demokrasya.

Kaya, sa pagbibigay inpormasyon sa mga botante ukol sa mga pagkabigo at masamang gawa o sa pagbibigay sa kanila ng mga elektoral na alternatibo sa pamamagitan ng mga naiibang panukala sa polisiya ay magdudulot ng mas maalam na desisyong elektoral.

Gayunman, maaaring pilipitin din nito ang diskursong pampolitika, hahantong sa pagkahati at pagkabaha-bahagi ng party system o pag-alis sa mga botante at isulong ang political na panlalamig.

Sa pagtitimbang, walang ebidensiya na sumusuporta sa komun na karunungan hinggil sa negatibong pangangampanya ay nagsasalarawan ng isang epektibong istratehiya para malubos ang mga boto. Sa modernong mga kampanyang politikal sa buong mundo, nakita natin ang katibayan ng mabuti, masama at pangit, at ang ganitong iba’t-ibang mga bahagi ng mga kampanya ay lubhang magkakaiba ng kanilang epekto sa mamamayan.

Ang uri ng pangangampanya ay magkatumbas na nauugnay sa pagkakaroon ng tiwala sa mga politiko. Ang kasalukuyang
nauusong maduming mga kampanya sa politika ay maaaring bumalandra pabalik dahil ang mga kaunawaan ng maduming pangangampanya ay maaaring makabwas ng tiwala sa mga politiko na may negatibong epekto para sa gumagana o kinatawan ng demokrasya sa pangkalahatan.

Ang tiwalang politikal ay nagsisilbi bilang isang pambayan na pundasyon para sa pagiging lehitimo ng isang sistemang politikal dahil isinasalamin nito ang isang saligang panunuri na ang mga na politiko ay gumaganap ayon sa mga pamantayang inaasahan na hawak ng publiko.

Ang kahalagahan nito ay partikular na malinaw sa mga panahon ng krisis sa politika, kung saan ang mas mababang mga antas ng tiwalang politikal ay nagpapahina sa abilidad ng mga politiko na lutasin ang mga problema at gawing lehitimo ang mga solusyon.

Marami nang ginawang masama ang politika at mga kampanya sa tao at buhay nila. Nagkasamaan ng loob at nagkahiwalay na mga magkakaibigan, nagkahati-hating mga grupo, umigiting ang init ng ulo ng ilan, nagkaroon ng patayan, sinira ang tiwala sa mga tao ng simbahan gayundin ang pananampalataya, umusbong ang kabastusan ng ilan at ang isa sa masakit ay kinaya pa ng isang anak na itakwil ang sariling magulang dahil lamang sa politika at pinapaniwalaang kandidato. Malaking pagkasira nito sa natitirang hibla ng maka-Pilipinong pag-uugali at tradisyon.

Harinawa, pagkatapos ng halalan, katulad ng paglaho ng pandemya sa Covid-19 ay makabalik na tayo sa “pagiging normal” tungo sa mas maayos at maunlad na bansa…sinuman ang palarin sa isang tapat, malinis at pinagpalang halalan.