Paglaganap ng cybercrime at “fake news” dapat nang makontrol-karagdagang batas kailangan

Ngayon higit kailanman ay nakikita natin ang kahalagahan ng Republic Act No. 10175 o ang Cyber Crime Prevention Act dahil sa tumataas na paggamit ng internet at mobile devices, lalo na sa panahon ng pandaigdigang pandemya ng Covid-19 kung saan nakita ng gobyerno ng Pilipinas ang malaking pagtaas ng mga kaso ng cybercrime, lalo na sa bilang ng mga kaso ng cyber libel na ipinila.
Lalong-lalo na ngayon na ang pisikal na pakikisalamuha ay nagambala ng mga health and safety protocols ng gobyerno upang mapigilan ang maramihang pagtitipon at hindi mahalagang paglalakbay ay bumaling ang tao sa social media applications gaya ng Facebook, You Tube, Twitter, Instagram, Tiktok, at iba pa.
Ang mga social apps na ito ay naging pamantayan bilang kapalit, bagaman pansamantala sa kinakailangang pakikipag-ugnayan sa lipunan sa isang napaka-sosyal at magkakalapit na lipunan ng Pilipinas. Mangyari pa, sa pakikisalamuha at sosyal na interaksiyon ay laging mayroong humahangga sa ilang alitan at pagkakasalungat.
Likas na nga sa mga tao ang ganito, ang pulitikal na pag-iisip na nasa ating lahat na halos palaging nangingibabaw tuwing may pakikipag-ugnayang sosyal.
Likas na nakahilig tayo na kumampi, sumang-ayon, sumalungat, magbigay ng komentaryo at ipadaloy ang impormasyon sa ibang mga grupo, bilang nahagi ng ating likas at pantaong pakikihalubilo. Habang ang mga bagong anyo ng sosyal na pakikihalubilo ay nagiging pamantayan, sa gayun ding paraan ay nakahilig din tayo na mag-like, share, retweet at magcomment sa mga post at diskusyon na sinalihan natin.
Malinaw na ang parehong alitan o away ay umuusbong mula sa mga bagong anyo ng sosyal na pakikihalubilo. Kung ang salitang “fake news” ay lumutang, kalimitang iniisip ng tao ang mga post sa social media sa halip na kamangha-mangha, hindi kapani-paniwalang mga istorya.
Habang ang mga post na ibinabahagi sa social media ay ang pinaka-nakikitang aspeto, mas marami pa sa fake news kaysa eksaheradong mga titulo ng artikulo sa social media feeds. Ang fake news ay maaaring waring bago ngunit ang platapormang ginamit ay ang siyang bago lamang.
Ang propaganda ay andito na sa loob ng maraming siglo, at ang internet ay siya lamang pinakahuling paraan ng komunikasyon na inaabuso upang magpakalat ng kasinungalingan at maling impormasyon.
Subalit nakakalungkot na sa paglipana ng mga maling balita ay may hangganan ang kamay ng batas dahil ang mga nagpapakalat at nagbabahagi nito ay hindi nasasakop ng isang batas.
Ayon sa Korte Suprema, ang ganitong klase ng interaksiyon sa social media ay hindi magkakaroon ng panangutan para sa cyber libel. Una ay walang batas na nagpaparusa sa naturang gawa, at sa kawalan ng lehislasyon na tuwirang ipinagbabawal ang ganitong aktibidad, walang magiging krimen.
Pangalawa, ang mga batas ukol sa libel sa ilalim ng Revised Penal Code, kung saan ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ay tumutukoy sa, pinarurusahan lamang ang author o mayakda ng post, o editor sa mga kaso ng magazines, newspapers, mga libro o publikasyong deserye.
Maliwanag na ang taong nag-like, nag-share o nag-retweet ay hindi ang author o mayakda ng orihinal na post na ibinabahagi, ni-like o ni retweet.
Pinanindiganan din ng Korte Suprema na ang ganitong gawa ng pag-like, pag-share o pagretweet ng isang hayag na napanirang post ay sadyang awtomatikong reaksiyon ng mga gumagamit patungkol sa post, at “maaaring bahagyang inisip o kanilang walang pakundangan na tugon sa orihinal na posting”.
Tumutugon lamang sila sa post o nagpapahayag na kanilang pagsang-ayon sa pahayag ng orihinal na may akda. Maliwanag na hindi sila, sa paano man maikokonsiderang may-akda ng post na ni-like, shinare, ni-retweet o pinagkomentohan. Ang orihinal na may-akda ang palaging siyang pasimuno o taong nag-umpisa ng lahat. Ayon sa batas, “walang krimen kung walng batas na magpaparusa dito”.
Ang gobyerno, mga kompanya at mga gumagamit ng social media ay lahat nagigising kung gaano magiging seryoso ang manipulasyon ng pampublikong ipinyon-na nahahayag sa “fake news”. Inuumpisahan na ng gobyerno na kilalanin na ang maling balita ay isang bagay na kailangang aktibong labanan.
Iba-ibang mga ahensiya ng gobyerno ang naglalatag na ng mga serbisyo upang ibunyag ang mga istorya na ikinokonsidera nila bilang mali. Ikinokonsidera din nila ang pagpapatupad ng mga regulasyon at parurusahan ang mga sites na naglalathala ng maling impormasyon.
Ito ngayon ang napagtanto ng pamahalaang lungsod ng Baguio na may pangangailangan na magkaroon ng angkop na digital governance at pagsunod sa tamang cyber risk management upang tugunan ang dumaraming alalahanin laban sa lahat ng uri ng insidente ng cybercrime.
At dahil dito ay nagkaroon ng memorandum of agreement ang pamahalaang lungsod at ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), isang inter-agency body na may mandatong mag-coordinate ng cybercrime prevention programs sa mga local government unit at sektor ng negosyo.
Layon nito na itatag ang kapabilidad sa cybercrime prevention, suppression at prosecution gayundin ang pagtugon at para makontrol ang banta ng cyber ayon sa mga probisyon ng Republic Act No. 10175″ o “Cybercrime Prevention Act of 2012.”

Amianan Balita Ngayon