Paglilingkod na kaaya-aya sa Diyos

Ipagpatuloy ninyo ang pag-iibigang magkakapatid. Huwag ninyong kalimutan ang magpatuloy ng mga dayuhan sapagkat sa paggawa nito ang iba ay nakapagpapatuloy na ng mga anghel nang hindi nila namamalayan. Alalahanin ninyo ang mga bilanggo na parang kayo’y nakabilanggong kasama nila; ang mga inapi na parang kayo na rin sa katawan. Maging marangal sa lahat ang pag-aasawa, at huwag dungisan ang higaan, sapagkat ang mga nakikiapid at ang mga mangangalunya ay hahatulan ng Diyos. Umiwas kayo sa pag-ibig sa salapi at kayo’y masiyahan na kung anong mayroon kayo,sapagkat sinabi niya, “Sa anumang paraan ay hindi kita iiwan, o pababayaan man”. Kaya’t panatag nating masasabi, “Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot: Anong magagawa sa akin ng tao?” Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, silang nagsalita sa inyo ng salita ng Diyos; tingnan ninyo ang kinalabasan ng kanilang pamumuhay, tularan ninyo ang kanilang pananampalataya. Si Jesu-Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman. Huwag kayong padala sa sari-sari at kakaibang mga turo, sapagkat mabuti na ang puso ay patibayin ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakinabangan ng mga tumupad ng mga iyon.

SA MGA HEBREO 13:1-9

Amianan Balita Ngayon