Pagpatay sa konsehal na dating pulis sa Cagayan, kinondena

LUNGSOD NG TUGUEGARAO, CAGAYAN – Parehong kinondena ni Gobernador Manuel Mamba at ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang pagpaslang sa isang retiradong pulis na ngayon ay Sangguniang Bayan (SB) member ng Allacapan, Cagayan noong Mayo 24.
Kinilala ni Cagayan Provincial Police Office (CPPO) provincial director police senior superintendent Warren Gaspar Tolito ang biktima na si Zaldy Mallari, miyembro ng SB at dating Allacapan chief of police, residente ng Brgy. Labben Allacapan, Cagayan, na inatake ng hindi pa nakikilalang suspek habang nasa harap ng kaniyang welding shop dakong ika-6 ng gabi. Ang pagpatay ay inangkin ng New People’s Army (NPA)-Danilo Ben Command.
Nagtamo si Mallari ng siyam na bullet wounds sa kaniyang katawan mula sa hindi pa malaman na kalibre ng baril at dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.
Nagsagawa ang mga otoridad ng follow-up operations upang malaman ang motibo ng pagkakapatay at para makilala ang mga suspek.
Kinondena ni Cagayan Governor Mamba ang pagpatay, “This is a senseless and desperate act of ending the life of a peace loving public servant whose life was devoted to the service of our nation and people. We seek justice for him and his family,” aniya.
Samantala, ayon sa PRO2 ay isang nakakasuklam na gawain ng terorista ang naturang pagpaslang sa dating hepe ng pulis.
Ayon kay PRO2 Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario M. Espino, na ang pagpatay kay Mallari ay patunay lamang ng walang awang gawain ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CCP-NPA).
“This is also a manifestation of their crooked principle and ideologies which are contrary of what they are trying to portray to the public as champion of social justice. I urge the public to deny the rebel group activities and report them immediately to the authorities to prevent them from disturbing the peace and order in the community,” ani Espino.
Samantala, inutusan ni Espino si CPPO Provincial Director Police Senior Superintendent Warren Gaspar Tolito upang magsagawa ng manhunt operation para sa posibleng pagkaaresto ng mga salarin.
Lumabas sa ulat ng pulis na noong Mayo 24, bandang 6pm sa Brgy. Labben, Allacapan, Cagayan, ang biktima ay kararating lamang sa kaniyang welding shop nang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na may suot na itim na bull cap at long sleeves ay pumasok at pinagbabaril ang biktima ng maraming beses. Ang mga suspek at iba pang kasama na naghihintay sa labas ay agad na tumakas patungong norte ng Centro, Allacapan, Cagayan sakay ng single black Euro at itim na XRM motorcycles.
Narekober ng PNP SOCO ang siyam na piraso ng fired cartridges ng caliber 45, anim na slugs at isang piraso ng deformed slug sa lugar ng pinangyarihan. S.C.DILAN, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon