PAGPROTEKTA LABAN SA SIGARILYO NGAYONG NO SMOKING MONTH

BAGUIO CITY

Sa pagdiriwang ng No Smoking Month ngayong Hunyo sa lungsod, mahigpit na ipinaglaban ng Transcending Institutions and Communities Inc., ang pagprotekta sa kabataan laban sa mapaminsalang epekto ng industriya ng tobacco. Sa ginanap na Kapihan sa DOH-Cordillera,noong Hunyo 13, ipinakita ni Ma. Cecilia Agpawa, program manager ng TICI, ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kabataang naninigarilyo at gumagamit ng electronic cigarettes o vape. Binigyang-diin niya ang mga panganib na dala ng paninigarilyo at vaping sa kalusugan, kabilang na ang mga
epekto nito sa respiratory system at cardiovascular health.

Ang pagdiriwang ng No Smoking Month ay bahagi ng proklamasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa
Proklamasyon Bilang 183 na nagtatakda ng Hunyo bilang “National No Smoking Month” sa Pilipinas. Layunin nito na taasan ang kamalayan sa mga masamang epekto ng paninigarilyo at itaguyod ang isang lipunan na malaya sa usok. Ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit sa 8 milyong katao ang namamatay bawat taon dahil sa
paninigarilyo, kung saan hindi bababa sa 1 milyon sa mga ito ay mga non-smokers na nae-expose at nagiging second-hand smokers.

Noong Mayo 2022, ayon sa Lung Center of the Philippines (LCP), mayroong araw-araw na average na 321 na namamatay sa Pilipinas dahil sa sakit na kaugnay ng paninigarilyo. Ang naunang administrasyon ni dating Pangulong Duterte ay matindi ang hakbang laban sa paninigarilyo, na nag-utos ng Nationwide Smoking Ban noong 2017. Itinuloy pa ito sa pag-cover sa mga vapes at electronic cigarettes noong 2020. Pinahayag ni Agpawa na mahalaga ang pagprotekta sa mga kabataan laban sa mga panganib na dulot ng paninigarilyo at vaping. Sa mga datos na kanyang iprinisinta, binigyang-diin niya ang karapatan ng mga kabataan na mabuhay ng malusog at protektahan mula sa mga nakakapinsalang gawi tulad ng paninigarilyo.

Sa pangmatagalang epekto ng paninigarilyo, kabilang ang mataas na panganib sa kanser, sakit sa baga at puso, at iba pang sakit na dulot ng paninigarilyo. Sa vaping naman, bagamat mas kaunting impormasyon pa ang alam, mayroon ding mga posibleng panganib sa kalusugan tulad ng mga epekto nito sa respiratory system at mga sakit na puwedeng idulot sa puso. Layunin ng pagdiriwang ng No Smoking Month, ang protektahan ang kabataan sa maagang pag-uumipisang manigarilyo dahil maaari itong mauwi sa adiksyon at magdudulot ng ibat ibang karamdaman. Ayon kay Agpawa, napakaraming sakit and problema sa kalusugan ang maaaring maiwan kung mababawasan ang mga naninigarilyo.

Juannah Rae Basilio/UC-Intern

Amianan Balita Ngayon