Pagsiklab ng di-bakunado nagpapatuloy

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Patuloy na mas marami ang hindi abkunadong pasyente sa listahan ng lungsod sa kamakailang mga kaso ng Coronavirus disease (COVID-19). Ipinakita ng datos mula sa UP Baguio Department of Mathematics and Computer Science at ng Baguio City
Health Services Office na 55.04 porsiyento ng 7,568 kaso sa lungsod mula Agosto 18 hanggang Setyembre 30 ay hingo tumanggap ng kahit isang dose ng bakuna habang 16.48 porsiyento ay isang bakuna lamang.

Sa 138 namatay na naitala sa nasabing peryodo ay 109 ang hindi nabakunahan, isa ang hindi eligible para sa bakuna at 13 ang isang bakuna. Ang mga hindi bakunado ay binubuo ng karamihan ng severe at moderate na pasyente na may 31 sa 44 at 85 sa 108, ayon sa pagkakasunod.

Anim na severe at 23 moderate na mga kaso ay partially vaccinated. Sinabi ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng CHSO na siyam sa sampung naospital sa lungsod hanggang Setyembre 30 ay hindi nabakunahan.

Isa pang set ng datos mula sa dalawang ahensiya ay ipinakita na mula Mayo hanggang Setyembre 2021 ay mayroong 274 nasawi sa COVID-19 sa lungsod at sa kabuuan, 236 o 86.13 porsiyento ay hindi bakunado at isa o 0.36 porsiyento ay hindi eligible.

Sampu o 3.65 porsiyento ang partially vaccinated at 27 o 9.85 porsiyento ang fully vaccinated.

Inilarawan ni mayor Benjamin Magalong at mga health experts ng lungsod ang sitwasyon ng lungsod sa gitna ng pagdami sanhi ng Delta variant bilang isang “outbreak” ng hindi bakunado matapos lumabas na ang mga hindi bakunado lalo na ang matatanda at mga may umiiral na mga sakit na sila ang nasa sewvere at kritikal na kondisyon na pumupuno sa mga pasilidad.

Ang pag-aaral sa pagka-epektibo ng bakuna ay ipinakita na ang mga di-bakunado ay may mas maalking tsansang magka-COVID-19 kaysa sa mga nabakunahan na mga tao subalit hindi ibig sabihin na hindi na mahahawaan ng virus ang mga bakunado o hindi na magkaroon ng mga sintomas.

“Our vaccines are not perfect but they lessen the chances of developing severe symptoms, hospitalization and death. There will be breakthrough infections and deaths but what is important is we have better chances of not ending up in hospitals needing oxygen and ventilators,” sabi ng CESU.

(APR-PIO/PMCJr.-ABN)