PAGSIPA NG ‘OMICRON INFECTIONS’ PINANGANGAMBAHAN SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Matapos ang masayang pagdiriwang ng kapaskuhan kaugnay sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 delta variant sa bansa, ay pinangangambahan naman ngayon ang biglaang paglobo ng kaso sa unang buwan ng taon 2022.
Pumalo agad sa 427 bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod mula Enero 1-7, na nagdulot ng pagka-alarma ng mga residente at health officials.
Pinaghahandaan ngayon ng siyudad ng Baguio ang posibleng pagpasok ng Omicron variant na ang projection ay tinatayang nasa 250-280 cases daily ang maitatala sa pagdaluyong nito.
Ang projection ay posible umanong maganap ito sa kalagitnaan ng Enero hanggang Pebrero, base sa statistical analysis ng University of the Philippines Baguio Dept. of Mathematics and Computer Science (UP-DMCS) at ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).
Ayon kay CESU Head Dr. Donnabel Panes, ang nabanggit na projections ay base sa kasalukuyang sitwasyon at may tsansang magbago sa mga susunod na araw.
Kinokonsidera na muling posibleng maulit ang mataas na kaso noong nakaraang taon dulot ng pagdaluyong ng Delta variant na kung-saan ay marami ang severe cases at namamatay, na ang mga biktima ay mga hindi bakunado.
Ayon kay Panes, “We might be expecting a big number of cases but what we would like to see is less people having severe symptoms and being hospitalized with the success of our vaccination program and the sustained control measures set in place by the city.”
Sinabi naman ni Mayor Benjamin Magalong na ang siyudad ay nasa banta ng Omicron variant, kahit na sinasabi na ito’y less severe illness, na dapat pa ring paghandaan, dahil sa mas mabilis na makahawa ang virus nito.
“Omicron is highly transmissible as seen in other countries experiencing exponential increase in case reproduction number.It is a challenging variant that is why we cannot take it lightly. While some say it is less severe, let’s not be complacent because it can still overwhelm our health system and it will be our greatest challenge because if our health workers are affected, the implication will be felt by other sectors,” pahayag ni Magalong.
Nabatid na noon pang Nobyembre ay ay pinaghahandaan na ni Magalong ang panibagong contingency plan upang maagapan ang pagkalat ng bagong virus,gaya ng ginawa sa pagkalat ng Delta variant.
“We learned a lot from our delta experience to make the needed adjustments and this makes us a lot more prepared now.”
Aniya, makikita ngayon sa ibang lugar na dumaranas ng pagtaas ng kaso, isa na dito ang Metro Manila, na biglang lomobo ang kaso.Parang bumulaga ito sa kanila. We don’t want this to happen to us that is why we need to prepare.”
Aniya, ang pagtaas ng kaso sa lungsod ay makikita rin simula noong Disyembre 28.
Mula sa daily average of cases na 0 noong Disyembre 19 25 ay umangat ito ng 9 mula Disyembre 26-Enero 1,2022.
“Ang ating mga pasyente sa isolation unit ay domoble noong gabi ng Enero 4 at inaasahang lalala pa ito, kaya kailangan nating paghandaan ito.”
Panawagan nito sa publiko na panatilihin ang minimum public health standards na ginawa noong kasagsagan ng Delta variant at muling paghikayat sa natitira pang mahigit sa 18,000 na hindi pa bakunado na magpa-bakuna na,upang malabanan ang anumang virus.
Ayon kay City Health Services Office Dr. Rowena Galpo ang city’s contingency plan para sa Covid-19 Omicron variant ay kahintulad sa implementasyon laban sa Delta variant.
“We have learned a lot from our experience with the Delta variant that is why we have made some adjustments with the current contingency plan. We are more prepared now for the Omicron variant which is reportedly more infectious but less severe than Delta according to the experience of other countries.”
Ang ibig sa sabihin ay kaunti ang hospitalization at death sa Omicron case, pero posibleng marami ang asymptomatic to mild cases. Simula noong Enero 4, wala pang naitatalang Omicron variant case sa Summer Capital,pero nararanasan ang surge ng Covid-19 infections sa nagdaang-araw.
Aniya, ang mga isolation facilities na ginamit noong Delta surge ay nakaantabay ngayon at posibleng dagdagan pa ang mga bed capacity, kabilang ang mobilization of human resource, medicines at equipment sa posibleng pagsipa ng Omicron infections.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon