Pagsiyasat sa tobacco excise tax fund, pamumulitika lang

May 7, 2017

Binatikos ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos si Ilocos Norte second district Representative at House Majority Floor Leader Rodolfo Farinas na namumulitika lamang ito sa pag-akusa sa gobernador ng hindi wastong paggamit sa P66.5 milyon na tobacco funds.
Sa isang good government committee hearing ng House of Representatives sa naturang diumano’y iregularidad ay sinabi ni Fariñas na inayunan ni Gobernador Marcos ang pagbili sa 115 assorted motor vehicles noong 2011 at 2012 “without the benefit of public biddings.”
“She was both the requesting officer and the approving officer. The huge amount was released in three tranches to two disbursing officers in the form of cash advances. A major purchase through a cash advance is a violation of the procurement law and the auditing code,” ani Fariñas.
Ang naturang pagsisiyasat ay bunsod ng Resolution 882 na inakda ni Fariñas at dalawang deputies nito na sina Pampanga Reps. Juan Pablo Bondoc at Aurelio Gonzales Jr. ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ngunit kinondena ni lawyer Joseph Cadiz, legal counsel ni Marcos, si Farinas. “This is premature politicking. These are irresponsible conclusions.”
Si Farinas ay isang long-time political ally at personal na kaibigan ni dating Sen. Ferdinand Marcos Jr., ngunit nasira ito nang tumakas sa bansa ang mga Marcos noong 1986.
Ang parehong pamilya ng mga politiko ay aktibong political ally ni Pres. Rodrigo Duterte.
Sinabi nila Farinas, Bondoc at Gonzales Jr. na ang unang cash advance ng P18.6 milyon ay nangyari noong Disyembre 1, 2011 para sa pagbili ng 40 units ng mini-cab na ipapamahagi sa iba’t ibang barangay sa Ilocos Norte.
Ang pangalawa na P15.3 milyon ay ginawa noong May 25, 2012 upang pambili ng limang second-hand buses habang ang pangatlo na P32.55 milyon ay naganap noong Sept. 12, 2012 para naman sa 70 units ng Foton mini-trucks.
Kinondena ng mga kapanalig ni Gov. Marcos sa Sangguniang Panlalawigan ang naturang pagsisiyasat ng Kongreso sa pangunguna ni Farinas at sinabing isa lamang itong “fishing expedition”.
Isa ring abogado at miyembro ng provincial board na humiling na huwag pangalanan ang nagsabi na kung totoo nga ang akusasyon, bakit pa mag-iimbestiga ang Kongreso at hindi na lang agad magpila ng kaso sa Ombudsman.
Samantala, pinanindigan ni Sangguniang Panlalawigan member Domingo Ambrosio na walang iregularidad sa pagbili ng provincial government ng mga naturang sasakyan gamit ang bahagi nito sa RA 7171 tax. Aniya ay handa sila na humarap sa anumang imbestigasyon.
Kaugnay nito ay hiniling ng tobacco farmers sa Ilocos region at Abra province para sa full audit sa lahat ng proyekto na iniaward ng National Tobacco Administration (NTA) sa pamamagitan ng local government units. Ace Alegre / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest