Pagsulong ng Pederalismo nakaangkla sa realidad – DILG Asec

Metro BLISTT

Hinikayat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Jonathan Malaya ang mga kalahok sa isang federalism communications campaign workshop upang isulong ang pederalismo na nakaangkla hindi lamang sa mga pangako kundi sa realidad at sa isang ‘shared-vision’ na isang pamumuhunan sa hinaharap.

“Let us not create grandiose dreams for our country just because we need to campaign. Let’s be truthful to them,” pahayag ni Malaya sa mga kalahok ng Communication Planning Workshop for the Federalism Campaign for Luzon Cluster na ginawa kamakailan sa Manila.

“Federalism is not an elixir or a cure-all drug; it is an investment in the future yearning for something better for the country. It is the cornerstone of the agenda of change of the Duterte administration,” dagdag pa niya.

Habang may maraming pagbabago ang nangyayari sa kasalukuyang administrasyon, ang susi sa pagkamit nang mas maraming pagbabago ay sa pamamagitan ng pagpalit sa sistemang pederal ng gobyerno ayon kay Malaya. Ang pagbabago sa sistema ng pamamahala ay kailangan din ang mabubuting tao para patakbuhin ito, dagdag niya.

Sinabi ni Malaya na ang unitary form ng gobyerno ay nandiyan na 500 taon na ang nakakaraan sa ilalim ng rehimen ng Espanya pagkatapos ay sa ilalim ng pananakop ng Amerika, sistema ng Hapon hanggang ang Pilipinas ay naging isang republika, isang nagsasariling bansa sa ilalim ni Pangulong Manuel Roxas, ang 1935, 1973 at sa kasalukuyan sa ilalim ng 1987 konstitusyon.

“But if we continue with the system, the rich people will continue to be rich, the poor people will continue to be poor, the rich regions will continue to be rich, the poor regions will continue to be poor, the rich provinces will continue to be rich, the poor provinces will continue to be poor. All of the poor will go to the rich regions, the result, traffic in the urban areas and all of the problems besetting urban life,” ani Malaya.

Ayon kay Malaya ang solusyon sa mga problema ng bansa ay ang paglikha ng growth centers sa lahat ng panig ng bansa para sa paglikha ng mga trabaho, pagbibigay ng trabaho at pagpopondo sa negosyo na mangyayari sa sistemang pederal.

Ipinaliwanag ni Malaya na ang malalimang konsepto ng pederalismo ay hindi pa matatalakay dahil ang porma ay kasalukuyan pa ring pinagdedebatihan sa Consultative Commission. Wala pang bibliya ukol sa pederalismo.

“There is no bible about federalism anywhere, we develop our own model of federalism”, aniya.

Ang kampanya ay dapat nakaangkla sa realidad, sa mga katotohanan, sa ebidensiya na tinatawag ng mga siyentipiko na problem-driven and evidenced-based, ayon kay Malaya. PIA-CAR / ABN