Pagsunod sa MPHS ipinaalala sa taga-Baguio sa pagbubukas muli ng ekonomiya

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Sa maraming pagkakataon ay hinihimok ni Mayor Benjamin Magalong ang mga residente at bisita na istriktong sumunod sa minimum public health standards (MPHS) bilang proteksiyon laban sa umiiral na pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang media forum noong Hunyo 2 sa City Hall.

Ito ay ang: Laging paghuhugas ng mga kamay, wastong pagsusuot ng face mask at face shield, at pagtugon sa physical distancing.

“The most effective action that we can take to protect ourselves against Covid-19 and its variants is our compliance to MPHS. These are usually free like physical distancing and frequent washing of hands or do not cost much,” ani Mayor.

Ipinapayo din ng Mayor ang paggamit ng medical grade o surgical masks sa halip na mga gawa sa tela para sa mas siguradong proteksiyon laban sa nakamamatay na virus. Kung ipinipilit ng isang tao ang pagsuot ng mask na tela, sabi niya, kailangan itong samahan ng isang medical grade na mask para sa karagdagang kaligtasan.

Sinabi rin niya na ang Summer Capital ay muling bubuksan ang ekonomiya nito at industriya sa turismo dahil sa kasalukuyang “very manageable covid-19 situation” ng lungsod..

”We need to open up our economy. We are hurting, many are going hungry and people are getting depressed,” ani Magalong.

Gayunman, siniguro niya na walang kaligtasan at kalusugan ng sinuman ang maikokompromiso sa hakbang ng lungsod na buksan ang ekonomiya at turismo nito dahil ilang panuntunan at pamamaraan ang ipapatupad pa rin. Naunang iniulat ni health services office (HSO) head Dr. Rowena Galpo na sa management committee meeting noong Hunyo 1 ay sinabi niya na ang two-week growth rate ng lungsod ay ipinakita ang pagbaba sa average covid-19 cases per day mula 78 para sa period ng Abril 17 hanggang 30; 57 noong Mayo 1 hanggang 14; at 30 cases noong Mayo 15 hanggang 28.

Inilalarawan din nito ang strady decline sa bilang ng kabuuang kaso mula 1094 para sa period ng Abril 17 hanggang 30; 801 para sa Mayo 1 hanggang 14; at 428 cases sa Mayo 15 hanggang 28, aniya.

Sinabi ni Galpo na ang positivity rate para sa mga nagpositibo sa nakaraang dalawang linggo mula 12.5 percent sa siyam na porsiyento na may 182,068 tests ang ginawa; 117, 431 katao ang titest o 31.35 percent ng popilasyon; at 583 average daily testing sa nakaraang dalawang linggo.

Idinagdag niya na ang COVID-19 average daily attack rate sa lungsod ay bumaba rin mula 10.2 sa 8.2 percent.

(GBK-PIO/PMCJr.-ABN)