Pagtatanim ng marijuana patuloy pa din sa Kalinga

LA TRINIDAD, Benguet – Sampung ektrayang taniman ng marijuana na may halagang P5.7 milyon ang muling nadiskubre sa bulubundukin ng Barangay Butbut, Tinglayan, Kalinga.
Sa pinaigting na Oplan Green Pearl Bravo ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) at Oplan “Linis Barangay XI” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), muling nagsagawa ng tatlong araw na operasyon sa Tinglayan na siyang pangunahing pinagmumulan ngayon ng tanim na marijuana.
Mula sa 2,931 square meters na lupain sa Barangay Butbut proper ay pinagbubunot ng mga operatiba ng Tinglayan at Lubuagan Municipal police Stations, Kalinga Drug Enforcement Unit, members of the 1st and 2nd KPMFC, at ng PDEA Kalinga Provincial Office, ang may 28,300 fully grown marijuana plants at 1,000 seedlings, noong Mayo 27-29.
Ayon kay PROCOR regional director Israel Ephraim Dickson, ang Oplan Green Pearl Bravo ay binuo para mangasiwa sa clearing operation sa lahat ng drug-affected barangay sa Tinglayan, Kalinga.
Aniya, sa kabila ng operasyon at barangay information campaign laban sa iligal na droga ay patuloy pa rin ang pagtatanim sa nasabing lugar.
“We cannot do this alone, we need the help of other stakeholders to totally eradicated illegal drugs at hindi rin kami titigil para sugpuin ito,” wika pa Dickson.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon