Pahalagahan Natin, Tagumpay na Dulot ng Edukasyon

Nais mo bang marating ang Tugatog ng Tagumpay? Paano at Kailan mo ito makakamtan? Ang ating buhay ay punong puno ng suliranin, pagsubok at ligaya ngunit di tayo dapat makalimot sa Dakilang Lumikha sa atin na nagdulot ng talino at lakas sa ating pag-aaral.
Bagama’t tayo ay dukha lamang, pahalagahan natin ang edukasyon at ang araw ng ating pagtatapos sapagkat ito ang daan upang mabago ang ating mga kaugalian at kilos sa araw araw.
Mahalaga ang edukasyon sa batang hinuhubog pa lamang ang kaisipan tungo sa mga kagandahang asal at kabutihang dapat gampanan sa kanilang buhay.
Tayo’y ginabayan ng ating mga magulang kasabay ng paggabay sa atin ng Panginoon upang tayo ay makatapos ng pag-aaral. Nagsikap tayo at nagtiyaga sa lahat ng ating gawain kahit ano mang pagsubok ang ating harapin.Sa araw ng pagtatapos , ikinararangal tayo ng ating mga magulang kaibigan, at kapwa sapagkat ang araw na ito ay simula ng tagumpay.
Ngayong araw na ito ay binigyan natin ng saya ang ating mga magulang at kaakibat nito ang pagsukli natin sa kanilang hirap sa paggabay sa atin at pagtustos sa ating pag aaral. Marahil, marami ang nakakaramdam ng saya at lungkot sa araw na ito. Saya, dahil ito ang simula ng tagumpay sa ating buhay.
Lungkot dahil magkakalayo ang mga magkakaibigan na napamahal sa atin. Ang ating pag-aaral ay mahalaga kaya laging magtiyaga at magsikap sa hirap at ginhawa.
Huwag kalimutan ang Panginoon na gumagabay sa atin sa araw-araw. Isaisip din natin na ang pag aaral ay maghahatid sa atin sa tagumpay at pagiging lider sa kinabukasan
 
Bella Riz Diaz Valencia- Oredina

Amianan Balita Ngayon