Pakikiramay Kay PNOY; Ang face shield dagdag na basura sa kalikasan

Tapik ni Tonying

Una sa lahat angAmianan Balita Ngayon ay taos pusong nakikiramay sa mga naulilang pamilya ni dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino na pumanaw noong June 24, 2021 ng umaga.

Agad ding sinunog ang bangkay at dinala sa isang simbahan sa Quezon City na kung saan ay binasbasan siya ng mga kaibigangmga paring Katoliko at ipinagdasal ngmgamadre sa simbahan sa Ateneo. Ang abo ng bangkay ni PNoy na inilagay sa isang urn ay inilagak sa tabi ng puntod ng kanyang ina sa Manila Memorial Park.

Si PNoy ay pang 15th President ng bansang Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki ni dating Senador Benigno Aquino at ng dating Pangulong Corazon C. Aquino.

~~~~

Ano nga ba ang face shield? Ito ay gawa sa plastic namaterial na ginagamit ng mga Pilipino upang maiwasan di umano ang pagkahawa sa Covid-19 virus. San galing ang face shield ayon sa mga negosyante, ito ay gawa sa bansang China at bukod sa face shield may face mask pa na gawa rin sa China. Ngunit in fairness may gawa rin sa Pinas mga used clothes na ginawang face mask, siyempre gaya-gaya tayo na parang puto-maya.

Ang paggamit ng face shield ay ginawa ng mandatory ng mga opisyal ng bansa ayon na rin sa mungkahi ng gobyerno o ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil ito ang nakitang solusyon ng Department of Health na itong face shield ay sasanggain niya ang mga virus na galing sa ibang tao na hindi nakasuot ng face mask at face shield, ngunit bakit marami pa rin ang naiuulat na nagpa-positive sa virus? Epektibo ba talaga ang faceshield?

Umasa ang mga mga Pilipino nasa darating na Disyembre 25, 2021 na ayon na rin kay Spokesperson Harry Roque na maaring hindi na mag face shield ang mgaPinoy at tanging sa mga hospital at sa mga establishment na mag rerequire lamang gagamitin ang face shield.

Hindi pala dahil mayroong dumating na Covid-19 variant na galing sa bansang India na madaling makahawa kaya dapat daw na magsuot pa rin ng face shield.. PAASA pa more ito ngayon ang trending na salita sa ilang mga netizen sa lungsod.

Kung tutuusin sapat na ang face mask na protection at alcohol at paghuhugas ng mga kamay subalit nag-iba ang ihip ng hangin dahil ayon na naman kay Dok Duque sa taong 2022 pa raw makakamit ang “herd” na inaasahan upang lumuwag ang health protocol ng gobyerno.

Marami raw ang ayaw magpa vaccine dito, ngunit dito sa Baguio City at Benguet maraming gustong magpabakuna ang PROBLEMA KINAKAPOS SA VACCINE, ito ang tunay na balita, Oo sabihin na natin na sa sampung tao maaring 2 ang ayaw 1 ang nag-aatubili pero 7 naman ang gusto magpabakuna.

Bakit kamo dahil may ilang lugar na kinakailangan na may bakuna ka bago ka makapasok ,ang iba nga required sa mga ilang unibersidad.
Kung maraming vaccine marami rin ang magpapabakuna tiyak yan.

Kahit nga ako nung una ay ayaw kong magpabakuna subalit naisip ko na ito nga ay maaring proteksyon ko at upang hindi ako kapitan ng virus na maari kong madala sa aming tahanan.

Bukod sa pag-iingat at tamang pagsunod sa health protocol at sa awa ng Ama sa Langit ay walang magkasakit sa aming pamilya ng Covid-19 at maging sa aming mga staff sa aming abang opisina sa Amianan Balita Ngayon ay naprotektahan kami laban sa virus dahil sa aming pag-iingat.

At may mga nauna ng nagpabakuna sa aming mga kasamahan dahil naniniwala sila na ito ay proteksyon laban sa virus na dulot ng Covid-19. Mabalik tayo sa plastic hindi ba’t kaliwat-kanan ang mga inilabas ng ordinansa ng mga local government na nagbabawal sa paggamit ng plastic dahil pagsinusunog ito ay nakakasira umano ng ozone layer?

Sa lunsod ng Baguio may inaprubahang Ordinance No.36 series of 2017 o yung tinatawag na “Plastic and styrofoam Free Baguio”. Maliwanag na pagbabawal sa paggamit ng plastic.

Ano ngayon ka Pabling at Ka Inggo e halos buong bansa mula Aparri hanggang Jolo ata ay gumagamit ng face shield na plastic ..ang katwiran ng gobyerno ito raw ay panangga sa virus na dulot ng Covid-19 at hindi lang yan may pera sa face shield at face mask. Jusko day hirap na nga ng buhay dagdag gastos pa ang face shield at face mask.

Buti sana kung libre na ipinamimigay ng gobyerno. Kaya ikaw Pinoy magtiis muna tayo at may awa rin ang Diyos Ama sa Langit lahat ng itong nangyayari sa bansa ay kanyang wawakasan sa tamang oras at panahon.

TFP