Palarong Pambansa, pinaghahandaan na ng Deped-CAR

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinaghahandaan na ng Department of Education-Cordillera Administrative Region (Deped-CAR) at ng mga atleta ng lungsod ang Palarong Pambansa ngayong Abril 23 hanggang 29, 2017 na gaganapin sa lungsod ng San Jose de Buenavista, probinsya ng Antique.
May 700 delegation ang Cordillera na binubuo ng mga manlalaro, officials at coaches.
Ayon kay Agustin Gumawang, chief education support services division and regional sport coordinator, “Puspusan na ang paghahanda ng ating mga butihing athlete upang maibalik ngayong taon ang ating ranggo sa mababang numero.”
Aniya, noong nakaraang taon ay 9th place ang rehiyon, “Team Cordillera is bent on improving its overall finish in the upcoming 2017 Palarong Pambansa, Team Cordillera is stronger than ever.”
Dagdag pa niya, “Magkikita lahat ng mga officials, coaches, trainers, athletes at working committee sa Baguio City High School para sa in-house training sa Abril 11-13, 2017.”
May halos P13 million budget ang mga athlete ngayong taon at kasama rito ang insentibo na matatanggap ng mga athlete kapag nakakuha ng gold medal na may halagang P3,000,  silver medal P2,000  at bronze medal P1,000.
Darating ang Cordillera Delegation sa San Jose, Antique sa Abril 14, 2017 at magkakaroon sila ng training kinabukasan upang maka-adjust ang kanilang katawan sa klima ng lugar. Rica Gil, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon