Palarong Pambansa: Tinimbang ka ngunit kulang

Sep 30, 2017

Kung gaano karubdob, kapursige at punong-puno ng pag-asa na makukuha ng lungsod ng Baguio at Benguet ang pagiging host ng 2018 Palarong Pambansa dahil sa unang pagkakataon ay nagbuklod-buklod at nagkaisa ang iba’t ibang sektor, mga ahensiya ng gobyerno, pribadong institusyon, prominenteng grupo at kilalang mga indibiduwal upang mapalakas ang dagundong ng pagnanasa natin na makuha ang pagho-host ng taunang palaro.
Naging matibay pa ito nang ipahayag ni PCOO Secretary Martin Andar na suportado niya ang laban ng lungsod at probinsiya ng Benguet.Sampu ang ibinidang bentahe natin at naging ‘selling point’ upang makumbinsi ang komite na huhusga kung sino ang mananalong host ng Palarong Pambansa, pinamagatan itong ‘Ten Hottest Reasons for the Coolest Palaro Ever’ – ipamumukhang best sports-tourism site ang Baguio at Benguet, home of world champions and international stars, rich cultural heritage and vibrant art scene, cradle of the world-renowned festival and world records, with world-class venues and accommodations, athlete-friendly billeting centers, first-rate medical services, educational hub of the north at bilang mga lugar ng steadfast solidarity.
Hindi umubra ang ginaw, hindi kinagat ang ‘The Coolest Palarong Pambansa’, bakit? Ano ang dahilan? May kulang pa ba?Sinabi pa na may pagyayabang ni Mayor Mauricio Domogan noon sa kainitan ng pagpupulong ng mga nagsusulong ng ‘The Coolest Palarong Pambansa’ na ang Baguio at Benguet ang pinakamagandang lugar sa sports training patunay dito ang naging pagsasanay ni world boxing champion Manny Pacquiao na nananalo sa laban tuwing nagsasanay sa lungsod.
Ayon kay Domogan ay hindi natalo kahit minsan si Pacquiao at natalo lamang siya nang tumigil itong mag-training sa Baguio. Nananalo raw si Pacquiao dahil sa nagsasagawa raw sina Domogan ng ‘canao’.Nakalimutan yatang magdaos ng canao sina Mayor Domogan kaya natalo tayo sa bidding?
Pero walang biro, ang nakikitang dahilan maliban sa malakas talaga ang kampanya ng Vigan, Ilocos Sur dahil na rin marahil sa suporta ni dating Governor Luis ‘Chavit’ Singson na maaalala nating naging malakas na instrumento sa pagkakapanalo ng Pilipinas na dito idaos ang Miss Universe 2016 ay hindi talaga naging sapat ang pagkumbinsi dahil sa maaaring isinaalang-alang ng komite ang problema sa trapiko, ang kakulangan at hindi maayos na lugar ng palaruan, kakulangan at hindi maayos na tutuluyan ng mga atleta at delegado at iba pang bagay na ikinonsidera nila.Sa totoo lang ay mas maayos, mas maganda, mas maluwang at higit sa lahat ay makabago ang mga pasilidad sa palakasan ng Ilocos Sur kaysa sa atin.
Ito ang kulang sa atin kaya kailangan ng ituloy ang pagpapaunlad at pagsasa-ayos sa lahat ng kinakailangang pasilidad para sa palakasan upang sa susunod mang maki-bidding ang Baguio at Benguet ay hindi na ‘Tinimbang ka ngunit kulang’ kundi tamang-tama na sa panimbang ng mga opisyal ng Palarong Pambansa. PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest