PALARONG PANGLUSONGSOD MULING IBABALIK SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Matapos ang ilang taong pamamahinga ng mga manlalaro dahil sa pandemya,determinado ngayon
na maipamalas ang kanilang kakayahan sa larangan ng palakasan sa kasalukuyang Palarong Panglunsod na nagsimula noong Pebrero 11 hanggang Marso 18. Ayon sa Division Memorandum No. 056 o pagsasagawa ng solidarity meeting para sa palarong panlungsod, kaugnay ng Division Memorandum 051 sa pagsasagawa ng palarong panlungsod, ang solidarity meetings ay isasagawa ng tournament managers sa staggered na batayan.

Ayon kay Dave Fiangaan, isang guro at coach ng football team sa Bonifacio Elementary School, matagal na umano nilang inaabangan ang pagbabalik ng City Meet. Aniya, matagal na silang
nagsasanay simula pa noong nakaraang taon. “Nagstart kami mag practice noong pandemic pa ganitong month last year, noong pinayagan na ang limited face-to-face. Actually may mga ibang coaches na dedicated sa sports before pa nagstart ang face to face.”

Dagdag pa nito, ang huling City Meet na kanilang sinalihan ay noong 2019 pa bago sumiklab ang isyung COVID-19 sa bansa. Ngayon nagbabalik na ang mga aktibidad sa sports, ngunit maliban sa football mayroon ring arnis, volleyball, basketball, swimming, archery, softball, wushu-sanda,
baseball, dance sports, tennis, chess, wrestling, pencak silat, badminton, billiards, boxing, futsal, gymnastics, sepak takraw, table tennis, taekwondo, athletics, at muaythai na kabilang sa paligsahan.

Ang kompetisyon sa football ay nagsimula noong Pebrero 13 hanggang 25 at ito ay nahahati sa dalawang kategorya; ang elementarya at sekundarya o high school. Sa elementarya may siyam na teams, habang sa highschool naman ay may pitong teams. Sa bawat koponan may labing walo na
manlalaro; labing-isang manlalaro at may pitong kapalit. Kung ang kaligtasan naman ang pag uusapan, paliwanag ni Fiangaan, “Sa amin sa school wala namang na injured, syempre precautionary measures pa rin ang tinitignan; yung area, yung place dapat safe parati tapos yung
kondisyon ng bata syempre kung may sakit we don’t allow them to play.

Syempre may consent ng parents na they will join a football program.” Dagdag pa niya sa mga
batang gustong matuto mag-football, “May club kasi kami yung Cordilleran Binnadang Football Club so kung may mga interesado ay available kami every Saturday dito sa Melvin Jones mula alas 8:00 hanggang alas 11:00 ng umaga.

Kate Madisson Lamigo/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon