Inaprobahan ni Mayor Mauricio G. Domogan ang City Council Resolution no. 111 series of 2017 para sa paanyaya sa mga kumpanya, arkitekto, inhinyero, urban planner at maging sa mga mag-aaral na lumahok sa pagbubukas ng kumpetisyong pampubliko para sa disenyo ng Baguio Convention Center.
Inilahad ni Councilor Maria Mylen Victoria Yaranon ang kanyang ideya sa konseho para sa plano ng lungsod na mapanibago at maisaayos na maging modernong Convention Center ang mga pasilidad na kung saan ay itinayo noong taong 1977 na ngayon ay tuluyan nang nasisira.
Sinabi ni Yaranon, “The rehabilitation of the structure is long overdue and its modernization can go hand in hand with the preservation of its historical and architectural significance. A well-thought-out financial strategy and marketing plan is vital to secure its economic sustainability.”
Anya, isang kumpetisyong pang- disenyo ang bukas para sa publiko na magbibigay-daan sa lungsod upang makapili at i-award ang pinakaangkop na panukala para sa pag-upgrade ng convention center.
Ang kumpetisyon ay tatakbo sa loob ng limang buwan at ang mga pamantayan ng disenyo ay naka-angkla sa paghahanap ng pinakamahusay na balanse sa “pangangalaga, paggawa ng makabago at mga gastos upang makamit ang mga sumusunod na resulta ay dagdagan ang pampublikong interes para sa mga istraktura at ang kasalukuyang kalagayan; isang pampublikong talakayan tungkol sa kanyang kasalukuyang paggamit at sa hinaharap na pag-andar; isang patas at transparent kumpetisyon humahantong sa isang malawak na pagtanggap ng resulta at ng isang disenyo proposal na mapili batay sa mga propesyonal na pagtatasa pati na rin ang pampublikong opinion.”
Ang mananalong disenyo ay binibigyan ng prayoridad sa pagsasaalang-alang sa pagkumpuni at pagbabagong-tatag ng mga pasilidad ng kombensyon. ABN
April 8, 2017
April 8, 2017
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024