PAMILYA DUTERTE AT MARCOS…MAY LAMAT NA BA?

Sa kasalukuyang panahon…marami na ang nahihiwagaan sa mga nagaganap sa pagitan ng pamilya Duterte at Marcos. Dati kasi, parang sing-tamis ng pulot ang ng mga ito lalo kina Pres. Bongbong at VP Sara. Parang pelikula na ang dulo ay masaya at walang iringan. Ang kanilang maningning na simulain ay para bagang nalalambungan na ng itim na ulap. Kaya ang malaking tanong: BAKIT? Sa pangangalap natin ng kasagutan sa tanong na ito ay sala-salabat at samu’t-saring kaisipan ng ating kababayan mula Norte hanggang sa Sur. At dahil dito, nakasilip tayo ng mga prueba na nagkakaroon na nga yata ng lamat ang bigkis ng dalawang pamilyang ito Marcos at Duterte.

Sabagay, kung totoo ang mga sinasabi ng mga matatabil na dila…bago pa man eleksiyon, meron nang nagsisimulang usok sa pagitan nila. Sa larangan ng pulitika, wala kang permanenteng kaibigan. Kadalasan ay nauuwi sa pataasan ng ambisyong manilbihan sa madla o sa sarili. Tao lang tayo. Walang pinag iba sa kasaysayan nina Abel at Cain (Bible). Magkadugo nguni’t magkaiba ang prinsipyo na nauwi sa isang karumal-dumal na krimen. Hindi maipagkakaila sa makabagong panahon. Kamakailan lang…isa na namang mapanghimasok at mapusok na aksiyon ang ginawa ng bansang Tsina laban sa atin. Binangga ng Chinese Coast Guard ang barko ng Phil. Coast Guard, nabutasan ang isa at may mga nasirang gamit sa komyunikasyon.

Lantaran na ang ginagawang pang-aasar ng Tsina sa atin. Kung sana ay sin-laki natin sila…malamang kaysa hindi,
baka “giyera” na. Sa mapayapang paraan pa rin ang buntong-hininga ni Juan dela Cruz. Lahi tayo ng manghihimagsik, matapang at palaban. Ngunit tayo ngayon ay nagtitimpi alang-alang sa kapakanan ng nating
kababayan at kapakanan ng mundo. Dahil sa isang iglap ng pagkakamali….tiyak na mayayanig ang mundo sa
ibubunga nito. Maraming bansa ang kakampi at maaring tutulong sa Pilipinas, ano man ang mangyari. May mga
kakampi rin ang bansang Tsina. Iwasang mapigtas ang pagtitimpi. Sapagka’t sa panahong mapigtas eto, kawawang kinabukasan.

Di lang sa Pilipinas, kundi ng pinangangambanhang epekto sa buong mundo. Nakikita natin ito sa gitna ng kasakiman at nakaambang bangis ng umaagaw sa teritortyo ng Pilipinas at sa mga ipinapakitang malasakit ng mga bansa para sa Pilipinas. Balik-‘Pinas tayo, pards. Itong nangyayaring tensiyon ngayon sa bansa dahil sa di pagkakaunawaan lalo na sa pulitika…saan patungo? Lalo at nalalapit na naman ang pagpipila ng kandidatura. Tao lang po. Marupok sa kinang ng salapi at mahina sa kaway ng tukso. Ang mga kasalukuyang mga nag uumpugang bato…tiyak na may mga pamana rin mag uumpugang bato.

Mawala man ang kasalukuyan, patuloy pa rin ang tensiyon, di ba? Prangka na ang kasalukuyang pananaw ni Juan dela Cruz: dumidilim ang landas ng pulitika sa bansa dahil sa mga mapang-api, mapang abuso, mapagkunwari,
manunupil at makasarili. Nawawala na ang diwa ng pagkakaisa, pagmamalasakitan, pagtutulungan at respeto sa
ating lahi. Lahing-Juan dela Cruz…hanggang saan ang iyong luha at lakas ng bisig na tumindig at lumaban. At
hanggang ano ang kaya mong ipaglaban. Kaisa mo kami, ka lahi. Adios mi amor, ciao, mabalos.

GUO, GOING, GONE

Amianan Balita Ngayon