LUNGSOD NG BAGUIO – Pinatunayan ng 12 na grupo mula sa iba’t ibang probinsya ang kanilang husay at teamwork sa Panagbenga Airsoft Challenge 6 na ginanap noong Marso 4 at 5, 2017 sa Ibaloi Heritage Garden.
“Bilang pioneer group, we are trying to promote the camaraderie within the airsoft community. Itinuturo din natin sa mga enthusiast natin na may proper venue and proper competition wherein doon nila pwedeng gamitin yung kanilang airsoft ammunition,” ani Guien Banta, miyembro ng airsoft pioneer group.
Dagdag pa niya ang paglalaro ng airsoft ay nagsisilbing pastime o hobby na rin ng mga manlalaro. Ang bawat manlalaro ay kinakailangang nasa 18 anyos pataas.
Lahat ng kanilang gamit ay battery operated sa halip na gas operated upang maiwasan ang disgrasya o pagkabulag ng mga manlalaro.
Sinigurado naman ng club na ligtas ang mga kalahok kung saan nakasuot sila ng protective gear tulad ng gloves, mask at helmet.
Ang mga premyo sa palaro ay trophies na mula sa mga sponsors at pinagtibay ng pamahalaang lokal. Ngunit, ayon sa mga manlalaro, ang pinakamagandang premyo nila ay ang excitement at enjoyment na hindi nila malilimutan.
Ang naturang airsoft challenge ay kabilang sa community-led activities sa pagdiriwang ng ika-22 taon ng Panagbenga. Binuo ito sa pangunguna ng Baguio Airsoft Club at pakikipagtulungan ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. Liezel Eunice Callejo, UC Intern
March 10, 2017
March 10, 2017