PANAHON NG KALAMIDAD… PAGHANDAAN

Hindi nagkamali ang PAGASA sa kanilang prediksiyon kamakailan na talagang papasok na tayo sa panahon ng tag-ulan. Katunayan, habang sinusulat ang espasyong ito…nasa tabi lang natin ang isang super typhoon (MAWAR) na may lakas na 185KPH (center wind) at pagbugsong aabot sa 230KPH. Dalangin natin na huwag na sanang pumasok sa PAR upang mailayo ang ating bansa sa kalamidad. Sabi nga ng mga eksperto, malayo man ang sakuna, paghandaan na bago mahuli ang lahat. Sa panahon ngayon, marami ang mga maituturing na mga kalamidad.

Gaya na lamang ang pagkakasunog ng Central Post Office building na ayon sa BFP higit nasa 300
milyong peso ang halaga ang nasira at may 18 sugatan. Ayon sa mga mambabatas, kinakailangang makumpuni agad ito dahil sa serbisyo neto sa madla. Dagdag pang ulat na ang gusaling ito ay nakainsure sa halagang 604Milyong peso. Hindi lang ito ang mga naganap na sunog sa ating kapuluan. May mga namatay pa sa ibang mga sunog na naganap lalo na sa may NCR. Tsk tsk…panahon na ng tag-ulan nguni’t may mga sunog pa rin.

Mapagnakawan ka na, sabi nila…huwag lang masunugan dahil simot ang iyong puhunan. Tinuturing ding kalamidad itong patuloy na imbestigasyon sa pagpatay kay Negros Oriental
Governor Roel Degamo. Nauna ng napaulat na may pitong suspects ang itinuturo kasama si Rep. Arnolfo Teves (nasa labas ng bansa pa) ngunit may tatlo sa mga ito ang bunawi ng kanilang testimonya. Ayon kay DOJ Sec. Remulla, inaasahan na niya ang pag-atras pa ng hanggang sa pitong suspect dahil may pribadong abogado na sila.

Kung ganito ang nagaganap, parang nakakalamidad na rin ang kasong pagpatay sa gobernador, di ba? Saan kaya patungo ang imbestigasyon? Kailan makakamtan ng mga biktima ang katarungan? Tama yata ang kasabihan: wala ng saysay ang damo, kung patay na ang kabayo. Kamakailan, napawalangsala si Sen. Laila de Lima sa anim nitong mga kaso na may kaugnayan sa illegal na droga sa Bilibid. Meron pang isang kaso na kanyang kinahaharap kaya kulong pa rin siya. Sumunod naman ang pagkakaabsuelto sa ilang kaso laban kay J. Napoles pero may naiiwan pang isa hinggil sa isyu ng PDAF scam.

Ibig sabihin…kulong pa rin siya. Sabi ng ilan: bakit kaya napakabilis litisin ang mga mabibigat na kaso ng mga “bigating” tao samantalang kung sa mga mahihirap…likud ng rehas na bakal agad? Yan kaya ang tunay na timbangan ng hustisya? Nagtatanong lang po kami! Para ding napakalakas na bagyo ang dating ng salitang “Tambaloslos”. Upak yan ni Vice Pres. Sarah Duterte kamakailan. Isang Visayan/ Cebuano word pala ito na katawagan sa mythical creature na inilalarawan bilang
“halimaw” o kakaibang nilalang na may malaking bibig at ari.

Sa mas mababaw na katuturan…ang “tambaloslos” ay isang tao na puro daldal lamang ang alam, walang kakayahan o hangal at kadalasang ginagamit bilang isang insult laban sa isang lalaki. Ang tanong: sino kaya ang pinapasaringan ni VP Sarah sa kanyang upak? Tahimik naman ang kanyang ama na si dating Pangulong Digong. Marami pang mga isyu sa ating bansa ang maituturing na
mga kalamidad. Ang cover-up sa P6.7B na shabu kung saan pitong mga pulis ang pinacontemp ng Senado dahil sa pagsisinungaling.

Ang pagbubunyag at iniimbestigahang ulat na kulang daw ang tinanggap na bonus ng mga pulis. Sa halip na P20K ayon sa utos ng Pangulong Bongbong….ang tinanggap nila ay P4K lamang. Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr….dapat may managot. Panahon ngayon ng iba’t-ibang uri ng
kalamidad. Kahandaan ang pairalin. Hanggang sa muli, maraming salamat. Adios mi amor, ciao, mabalos.

THE WILD WEST

ZIPPER LIPS

Amianan Balita Ngayon