Panalangin para sa Saklolo

Mapalad ang tao na kaniyang ginawang tiwala ang Panginoon, na hindi bumabaling sa mga mapagmataas, pati sa mga naligaw sa kamalian. Pinarami mo, O Panginoon kong Diyos ang iyong mga kagila-gilalas na gawa at ang iyong mga pag-aalala sa amin; walang maaaring sa iyo’y ihambing! Kung aking ipahahayag ang mga iyon at isasaysay, ang mga iyon ay higit kaysa mabibilang. Hain at handog ay hindi mo ibig, ngunit binigyan mo ako ng bukas na pandinig. Handog na sinusunog at handog pangkasalanan ay hindi mo kinailangan.
Nang magkagayo’y sinabi ko: “Narito, ako’y dumarating; sa balumbon ng aklat ay nakasulat ang tungkol sa akin; kinaluluguran kong sundin ang iyong kalooban, O Diyos ko; ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso.”
MGA AWIT 40:4-8

Amianan Balita Ngayon