Marami nang beses na tayo’y inaasar ng China dahil sa West Phil. Sea. Sandamukal na rin ang mga narinig nating
mga nagprotesta at magproprotesta pa ang ating bansa. Pero patuloy naman ang pang-aasar ng Tsina sa atin…WH-?
Gumamit na tayo ng kontra-patrolya sa karagatan. May sumama pang taga-media at nadokumento kung papano tayo binangga, sinabuyan ng tubig, pinahunihan ng malalakas nilang instrument na halos makalaglag-teynga,
hinahahabol at hinaharang na may pananakot pa ang birada ng kanilang dila…ANO NA ANG SAY NATIN? Siyempre
…nasa “diplomasya tayo”, sabi nila.
He he…di “pasensiya ka” bagamat gustong-gusto na nating iganti ang ating kaapihan. Gaya ng mga bansang inaapi rin (Vietnam, Indonesia at Malaysia)…wala tayong magawa kundi magbinat ng senturon. Bakit? Aba’y kahit isang bansa lang sa Asya na nakakaranas ng pambubully ng China ang “ bumangga” sa kanilang ginagawa…TIYAK
GIYERA NA! Yan ang pinangangambahan natin sa Asya. At kapag pumutok ang giyera sa Asya…natural…kakalat na
yan. At kapag kumalat…baka Ikatlong digmaang Pandaigdig na ang susunod. Maryusep!
Anak ng Maryunes…GANERN? Pesteng yawa gid! Antutan! Anak ti diaske! Sinalit at Sinalbag! Idagdag mo pa ang minana nating pagmumura – Simberguensa! Matagal na nating itinaga sa bato ang ating hinanakit. Pero nalusaw na yata yong bato…sumama na rin ang ating mga pagmumura. Eh..di ulitin natin. Kasi kung di natin ilabas ito, baka sa puwit lalarga ang ating sama ng loob. Ang malaking pero: kahit tone-toneladang protesta at mura ang ating ihahain….may mangyayari kaya? Baka “ngising-aso” lang ang aabutin natin. Meron pa ngang dumada na dapat daw ay huwag na nating tangkilikin ang mga produkto o gawang-tsina.
Maryusep. Kasasabi mo lang, heto na’t bumili ka naman ng gamit ng iyong sasakyan na gawang Tsina kasi “mas mura”. Tapos, magrereklamo tayo na napakadaling nasira. Eh, kumagat tayo sa mura, di ba? Idagdag mo pa ang mga
piniratang Made in China. Wala ring pinag-iba sa atin. Marami ring mga palpak na produkto dahil hindi dumaan sa legalidad. Marami ang mga pekeng gawa. Hindi lang sa West Phil. Sea nangyayari ang asaran, pards. Dito lang sa ating bansa…sus ginoo…matagal na ang asaran. Tignan na lang natin ang kontrobersiyang impeachment kay VP Sara Duterte.
Aba’y kararaan lang sa mga kamay ng mga mambabatas natin sa mababang kapulungan at ipinasa na ito sa Senado. Yon daw pang-apat na impeachment ay hindi pa isinama kasi huling dumating at hindi nakaabot sa biyahe. So, nasa Senado na ang “bola”. Kung sa Lower House, may 215 na mga mambabatas ang pumabor na maimpeach si VP
Sara…ilan naman kaya sa Senado? Yan ang inaabangan ngayon dahil nasa kanila na nga ang “bola”. Siyempre…idedrebol nila ang bola. Pagpapasa-pasahan na nila. Baka, ma-foul pa. Syempre, papasakabila ang bola at idedrebol muli. Tanong: mai-shoot kaya sa ring ang bola?
Baka naman masupalpal at kung may foul, may free shot sa center lane. Haay naku…ang usapan po ay hinggil sa kay VP Sara sa patung-patong na mga kaso. Tapos isasabay pa natin ang isyu sa teritoryo at mga isyu-pulitikal…sus Maryusep kailan tayo matatapos? Baka naman nakapagpatayo na ang China ng ala-Makati Business Center sa West Phil. Sea…ay nakatunganga pa rin tayong naghahain ng protesta. Para tayong bumabangga sa isang bundok na ang ating armas ay piko at pala lang. Samantalang ang ating kalaban buldoser at makabagong gamit? Sabi ng ilan: huwag mag-alala…kabisig natin ang US. Di tayo pababayaan.
Katunayan, may mga gamit pa sila dito sa atin na puwede nating magamit kung sakali. Upak naman ng iba..mas mainam kung may sarili tayong puwersa at gamit kontra sa kalaban. Ah, ewan…sabagay, bilog ang mundo. Malay nga natin, sila ang nasa ibabaw ngayon. Pero pagdating ng inog, tayo naman ang nasa ibabaw. He He…kayo na ang magtutuloy kung ano ang magaganap. Ang masaklap kasi, bago tayo kumilos…matagal na tayong minamanmanan. Kahit nakahuli na tayo ng mga espiya nila…baka marami na silang na-recruit na mga Pinoy na naging espiya na rin. Kayo na po ang mag-analisa kung ano nga ba ang dapat gawin sa ngayon? Adios mi amor, ciao, mabalos.
February 9, 2025
February 10, 2025
March 15, 2025
March 15, 2025
March 15, 2025
March 15, 2025