Sa ginawang press briefing sa Malacañang nitong Huwebes, August 1, 2024, inihayag ni Department of Budget and Management Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang strategic vision at core principles na nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP) para sa Fiscal Year 2025, na may pagdiin sa pagtuon ng gobyerno sa matalinong paggastos at recovery ng ekonomiya. “We’re following a fiscal program from when the administration started until now. Ibig sabihin po nun, generally we are trying to decrease our deficit at the same time maximize whatever revenue that we raise.
With that po, DBCC came up with the P6.352 trillion budget level for next year,” paliwanag ni Secretary Mina.
Inaprubahan ng DBM ang 69% ng kabuuang P9.2 trillion funding requests mula sa government agencies, na
tumatalima sa P6.35 trillion na tinakdang ceiling ng Development Budget Coordination Committee (DBCC). Kabilang sa mga konsiderasyong isinaalang alang ay ang absorptive capacity, past utilization rates, program preparedness, at alignment sa Philippine Development Plan at ibang kaugnay na prayoridad.
“First, we look at the absorptive capacity of all the departments and agencies— kung kaya po nila ma implement ‘yung mga proyekto. Pangalawa, we check the numbers, ‘yung utilization nila for the past two to three years. We check also the preparedness of their programs and projects. We would like to ensure na ‘pag ibinigay po ang pondo sa ahensya… kaya po nila i-implement kaagad-agad ang programa,” paglilinaw ni Secretary Pangandaman. “Next it should adhere to the Philippine Development Plan. Merong tatlong pillars po tayo na sinusunod.
There is also a program convergence na ginagawa po between the DBM, NEDA, and other implementing agencies,” dagdag pa ng Budget Secretary. Kasunod nito, nagbigay si Sec. Mina ng malinaw na paliwanag sa ilang pangunahing
puntos, kabilang na ang program priorities, funding allocations at anticipated impacts sa economic landscape ng bansa. Confidential and intelligence funds Ang kabuuang confidential at intelligence funds para sa 2025 ay nabawasan ng 16%, mas mababa ito mula P12.378 billion ngayong 2024 kumpara sa P10.286 billion para sa 2025.
Kabilang sa mga pangunahing ahensya na mayroong alokasyon ay ang Department of Interior and Local
Government (DILG) na may P906.6 million, ang Department of Justice na mabibigyan ng P579.4 million (kabilang rito ang NBI at Bureau of Immigration), ang Department of National Defense na mayroong P1.8 billion, at ibang key agencies na magsisiguro ng national security at effective governance. Youth employment May significant allocations
rin para mapabuti ang youth employability na nasa ilalim ng Department of Labor and Employment, na nagkakahalaga ng P984.2 million at sumasalalim sa 84% na pagtaas mula sa nakalipas na taon.
Kabilang sa kapansin-pansing mga program ay ang Special Program for Employment of Students (SPES) at ang Job Start Philippines Program. Salary increases and benefits for government employees Magtatalaga rin ng P70 billion para sa salary increase ng government employees, kabilang na rito ang mga guro, sa 2025 NEP. Bahagi ito ng four
tranche salary increase plan simula ngayong taon. Dagdag pa rito, P9.6 billion ang magiging alokasyon para sa
medical allowances ng government employees, na mapapaganda ang kanilang healthcare benefits. Infrastructure and flood control.
Ang comprehensive flood control program ay may alokasyon ng P305.1 billion, na mayroong makabuluhan pondo direkta sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Layunin ng investment na ito na pagaanin ang epekto ng malalang pagbaha at upang mapabuti ang water resource management sa buong bansa. Social welfare and assistance Ang NEP ay may alokasyon na P253.3 billion para sa iba ibang social welfare programs.
Ang Department of Social Welfare and Development ay makakatanggap ng substantive portion ng pondong ito na nagkakahalaga ng P205 billion, na siya naman hahatiin para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Social Pension for Indigent Senior Citizens (SOCPEN), Protective Services for Individuals and Families and Difficult Circumstances, Philippine Food Stamp, at Sustainable Livelihood Program (SLP). Kabilang din sa budget na ito ang fuel subsidies para sa transport sector at ang assistance para sa mga magsasaka at mangingisda.
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024