Pangasinan isinailalim sa Extreme ECQ; 3 bagong positibong kaso

LUNGSOD NG DAGUPAN – Inilagay na ang probinsya ng Pangasinan sa ilalim ng Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) kasunod ng kumpirmasyon na tatlong bagong kaso na nagpositibo sa test para sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Nakasaad sa Executive Order No. 0015-202 na nilagdaan ni Governor Amado Espino III na sa ilalim ng EECQ, walang sinuman ang pahihintulutang pumasok at lumabas ng, probinsiya epektibo 8:00 ng gabi ng Marso 23, 2020 hanggang 12:00 ng hatinggabi ng Marso 31.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health ang tatlong bagong kaso ng COVID-19 sa probinsiya na nasa apat na sa kabuuan ang mga kaso – isa mula sa Bayambang, isa sa Rosales at dalawa mula sa Malasiqui (inaantay pa ang swab results). Sa apat, dalawa na ang namatay.
Ang unang kumpirmadong positibong kaso na mula Bayambang ay namatay noong Marso 20 habang ang pasyente mula Rosales ay namatay sa parehong araw habang hinihintay ang resulta ng swab test mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ang natitirang dalawa ay mula sa bayan ng Malasiqui, isang 70 taong gulang na lalaki at 54 taong gulang na babae, ay kasalukuyang naka-confine sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City kung saan sumasailalim sila medikal na gamutan.
Inilagay ng mga awtoridad ang Malasiqui sa ilalim ng EECQ habang pinalawig ng Bayambang ang panahon ng lockdown nito hanggang Marso 21.
Nauna nang ipinatupad ang lockdown hanggang Marso 28, 2020.
Sa lockdown ng dalawang bayan, hindi pinapayagan ang mga residente na lumabas ng kani-kanilang mga bahay at inutusang isagawa ang mahigpit na home quarantine.
Samantala, sa isang panayan kay Provincial Health Officer Dr. Anna Maria Teresa De Guzman ay sinabi niya na isinasagawa na ang contact tracing sa lahat ng nakahalubilo ng mga may kaso.
Sa pinakahuling datos mula sa Provincial Health Office ay may 18 Persons Under Investigation nan a-admit sa mga ospital sa Pangasinan.
VHS-PIA-Pang./PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon