Pangasinan susundin ang uniform travel protocols ng IATF-EID

LINGAYEN, Pangasinan – Sinunod ng probinsiya ng Pangasinan ang uniform travel protocol na insiyu ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pamamagitan ng Resolution No. 1010 series of 2021.
Inilabas ni Governor Amado Espino III ang Executive Order No. 0018-2021 na nagsasabing “there is a need to issue revised guidelines for travel, in order to avoid confusion amidst the continuous effort to address and contain the spread of Covid-19, so that responses and measures done will not be put to naught.”
Kasuwato sa resolusyon ng IATF-EID, nakasaad sa EO ang guidelines on general travel, minimum public heath standards, testing and quarantine, documentary requirements at ports and terminals.
Sinasabi sa general guidelines para sa pagbibiyahe na “travel authority and medical certificates shall no longer be required for travel as well as a negative RT-PCR, except if specifically required by the component local government unit (LGU) of destination”.
Maaari na rin ngayong tumanggap ang Pangasinan ng mga turista mula sa Baguio City-La Union-Pangasinan-Ilocos Sur-Ilocos Norte (BLUPISIN) area, na sasailalim sa mga rasonableng restriksiyon na maaaring ipatupad ng host LGU sa mga turista, lalo na sa mga manggagaling sa mga lugar na may klasipikasyon na mas mataas kaysa modified general community quarantine (MGCQ).
“Tourists are encouraged to register at the pangasinan.tarana.ph online visitor registration system pending implementation of the Safe, Swift and Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System of the Department of Science and Technology (DOST)”, nakasaad sa EO.
Pinayuhan ni Governor Espino ang mga kabahaging LGUs na sa pagsasabatas ng kani-kanilang rasonableng regulasyon ay hinimok sila na panatilihin ang isang balanse sa pagitan ng economic recovery sa kabilang banda at kalusugan at kaligtasan sa isang banda.
Sa pagsunod sa minimum health standards, ang clinical at exposure assessment ay dapat mahigpit na ipatupad sa lahat ng pasukan at labasan upang masiguro na ang asymptomatic, non-close contact individuals lamang ang papayagang magbiyahe o pumasok sa destinasyon na LGU.
Ang health assessment ng mga pasahero, lalo na ang mga returning overseas Filipinos (ROFs) at locally stranded individuals (LSIs), sa superbisyon medical doctors, ay kinakailangan sa oras na pumasok sa daungan/terminal at exit sa lugar ng destinasyon.
Ang guidelines para sa Non-APORs (non-authorized persons outside residences), ang mga mas mababa sa 15 taong gulang at edad 65 pataas at mga may immunodeficiency, comorbidity, at ba pang health risks, ay mananatili at sa loob lamang ng kanilang bahay sa lahat ng panahon maliban sa mga emergency cases o kung papayagan ng IATF-EID. Naging epektibo ang kautusan noong Marso 1, 2021.
(VHS-PIA Pang./PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon