Subok na ng panahon ang tatag ng paninindigan ng mga Pinoy. Mula sa pira-pirasong lupa…sumibol ang lahing Pinoy sa kabila ng ilang ulit na pananagupa ng mga mananakop hanggang sa kasalukuyan, paninindigang lalong tumitindi sa bawa’t at kasalukuyang tangkang pananakop. Paninidigang lumaban kung kinakailangan. Tanda ng kasaysayan ang tapang at bagsik ng ating mga ninuno. Patunay ito na nanindigan sila laban sa mga Kastila, Hapones
at Amerikano mula sa tabak hanggang sa pulbura. Subok ang tibay ni Pinoy.
Nahasa na tayo sa panagupa nating tapang sa mga mananakop na Hapones hanggang sumagip ang puersa ng Amerika hanggang sa nakamit natin ang ating kasarinlan. Dito nagsimulang umusbong ang Lahing Pinoy na tigib ng pagkakaisa, di matawarang paninindigan, tapang at palaban. Pinakabagong hamon sa tibay ng paninindigang-Pinoy ay ang West Phil. Sea. Wala man tayong panlabang-pisikal…iisa ang ikinakasa nating pananggalang: ang ating
paninidigan na “atin ang teritoryong sinasakop”.
Hanggang sa kasalukuyan, tambak na ang mga protesta ng ating bansa kontra sa mga pambu-bully ng Tsina . Ang masakit, parang hindi iniinda ng naturang bansa ang ating “hiyaw”.. Malapit na ang halalan. Dito muli nasusubukan ang tatag ng “Paninindigan” ni Pinoy. Kahit pa illegal o baluktot ang kanilang paninindigan, marami sa mga
tumatakbo ang kinakabig ang illegal o labag sa panuntunan ang kanilang pagpapabatid ng kanilang adhikaing-pulitikal. Punado ito ng Comelec kung saan may mga inihain na rin silang aksiyon laban dito.
Gising din ang taumbayan kontra sa mga lumalabis ang estilo o kaya;y operandi ng kanilang pangangampanya. Katunayan may mga hakbang ng ilang grupo na ipa-diskwalipika ang ilang malalaking pangalang tumatakbo at kumikilos na rin ang Comelec hinggil dito. Sa basa namin…dito nasusukat ang tindi ng paninindigan ni Pinoy kahit
pa alam niyang lumalabag siya sa batas. Pinaka-praktikal na ehemplo ay ang paglobo ng mga bilangguan sa bansa dahil sa tambak na mga pagsuway natin sa ating sariling mga batas. Kaliwa;t-kanan ang kriminalidad bagama’t hindi
natutulog ang batas.
Ilang palitan na ng mga administrasyon. Pero hanggang sa kasalukuyan, nariyan pa rin ang iringan sa linis ng panunungkulan. Sa likud ng mga kilos para sa pag-usad ng ating kaunlaran…may mga grupo pa ring gustong sirain ang mga simulain at ipupursiging ibagsak ang pamamahala. Ito ang katotohang nagsisilbing anay sa ating lipunan.
Laging may tali sa kamay at paa na nagiging hadlang sa ating pag-unlad. Matindi ang paninindigan na ilahad sa madla na “sila” ang laging tama…na sila ang laging nasa matuwid at may katwiran kontra sa kasalukuyang sistema ng gobyerno.
Kaya sabi ng mga analysts: ang sobrang paninindigan ay nakakasama kung sinasabayan ng makasariling intensiyon kontra sa makabayang malasakit. Nagaganap ito ngayon na ang tanging solusyon ay “pagbabago” . Pinaka-simpleng ehemplo ay ang tatag ng punong-kawayan. Ilang unos man ang nagdaan, sila’y nakatindig pa rin at lumalaban. Ang
legal na paninidigan ay maituturing na huling sandata ng ating lahi laban sa ano mang uri ng unos na ating
sasagupain ngayon at magpakaylan man. Adios mi amor, ciao, mabalos!
March 1, 2025
March 1, 2025
March 15, 2025
March 15, 2025
March 15, 2025
March 15, 2025