Panlasang Cordillera, patok sa turista

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang café na matatagpuan sa pagitan ng Baguio City at La Trinidad, Benguet ang nakahuli ng attention ng mga lokal at turista dahil sa kakaibang paggamit nito sa mga karaniwang lutuing fusion, kung saan dinadala nito ang mga tradisyunal na delicacy ng cordillera sa susunod na henerasyon.

Mula sa natatanging entrée nito ang kanilang Kapangan Kinuday, Pork Ribs na ginawa sa lokal na tapey o rice wine at ang Benguet Shawarma, gamit ang “Etag”.

Buong kapusukan na inihayag nina Girlie Apuntan at Jovie Sianen, mga may-ari ng Sinner and Saints Café, ang kanilang pagmamahal sa kanilang pamana at kung paano tumatak sa kanilang panlasa ang mga lutuing ito mula pagkabata.

“Sinisikap naming gawing kakaiba maliban sa sangkap na karne, kaya parang naisip namin na dapat ito kumatawan sa Cordillera.

Ang pakay namin ay gumawa ng isang bagay na hindi komersiyo ngunit isang bagay na nagmula sa amin,” ani Girlie Apuntan sa isang intimate interview noong Huwebes, Abril 11.

Ipinagmamalaki din ng establisyemento ang mga orihinal na recipe ng mga pasta tulad ng kanilang “Potato noodle” at ang natatanging pagtatanghal ng Pinikpikan Carbonara, na nakukuha ang kakayahan ng orihinal na pagkain na nagmula sa Mountain Province.

Ang cafe na ito ay kilala rin bilang “Home of the Camote Cake”. Nakilala din sila sa kanilang inihahaing kakaibang uri ng dessert, ang “Tapuy ice cream” na nakilala rin bilang ice cream rice wine.

Bukod dito, ang Café ay tumatanggap bilang empleyado ng mga kabataang “out-ofschool” at mga may label na NOTICE TO THE PUBLIC This is to inform that JASMIN SANTIAGO BULACLAC , is no longer connected with Herbal Health City since AUGUST 11, 2018.

Any transaction entered into by her in behalf of the company, shall no longer be honored.

THE MANAGEMENT “unemployable”, marahil dahil sa edad o sa kakulangan ng kredibilidad.

Pinuri ni Angeline T. Bugtong, pangulo ng Benguet Association of Technical Vocational Institutions (ATVIB) ang mga establisyementong tulad nito na sumusuporta sa mga indibidwal na
dumedepende lamang sa kakayahan, lalo na ngayon na ang hard trade ay mas hinahanap.

“Lubos naming sinusuportahan at naniniwala kami sa mga kasanayan ng mga taong tumatagal sa kanilang mga craft at para sa mga naibahagi ang kanilang mga bendisyon sa publiko,” pahayag ni Bugtong.

Inaasahan ng Café na dalhin ang panlasa ng cordillera sa labas ng rehiyon.

 

Shermae Anayasan, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon