Parang kailan lang, naka-anim na taon na pala tayo

Sep 3, 2017

Parang kailan lang nang idaos ng Amianan Balita Ngayon ang kaniyang unang taong selebrasyon ng pagkakatatag.
Sa bilis ng panahon ay parang panaginip lamang na narating na pala natin ang anim na taon ng pagbibigay serbisyo sa publiko, komunidad at bayan sa larangan ng pagbabalita at pamamahagi ng mahahalagang impormasyon.
Sa loob ng anim na taong lumipas ay marami na ring nabago at nagbago. Sa mangilan-ngilang advertisers at subscribers ay yumabong na rin ito kahit paano, nadagdagan ang mga newstand at kumalat na rin ang pahayagan sa mga lalawigan at bayan ng rehiyong 1 at Cordillera. Lahat ng ito ay walang katumbas na halaga dahil inaangkin naming biyaya mula sa Panginoong Diyos at gayundin ang mainit na pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga kasamahan sa pagtataguyod ng pahayagang Amianan Balita Ngayon kaya umabot na tayo sa anim na taon.
Maraming dahilan upang magpasalamat.Sa anim na taong lumipas ay hindi namin maaaring kalimutan ang mga nakasama, ang ilan ay yumao na at ang ilan ay nasa ibang larangan na rin. Sa muling pag-usad sa panibagong taon ay tiyak magkakaroon ng mga bagong makakasama lalo na ang mga “interns” na labis naming ikinakatuwa dahil natatapos nila ang internship na may kabuluhan at may natututunan sa pahayagan kaya kahit paano ay nakatulong din kami sa kanila.
Sa loob ng anim na taong lumipas ay patuloy na naglilingkod kami hindi lamang sa pagbabalita kundi maging sa pagbibigay serbisyo sa komunidad na sa katunayan ay itinataguyod naming mapasaya ang mga batang mag-aaral ng mga piling mahihirap na paaralan sa pamamagitan ng “Oplan Kapote” na bahagi nito ang  feeding program at pamamahagi ng gamot, bitamina at school supplies.
Hindi natin mararating kung ano tayo ngayon kung hindi sa patuloy na suporta at paniniwala ng mga advertiser kaya nais naming iparating ang aming taos-pusong pasasalamat sa kanila – maraming salamat sa SM City Baguio, Lepanto Mines, Philex Mining Corp., Beneco, BCDA, Baguio Centermall, NGCP, Department of Agriculture, SSS, Snap Aboitiz, DOH, Suntrust, GoshenLand, ESCCorp., Leisure and Resorts World Corporation at marami pang iba pa.Maraming salamat din kina Mayor Mauricio Domogan; Mayor Martin de Guzman ng Bauang, La Union; Congressman Mark Go at Mrs. Soledad Go; Governor Cresencio Pacalso, Councilor Edgar Avila, Board Member Fernando Balaodan, Vice Mayor Joseph Marrero,  Sr. Supt. Florante Camuyot, Mr. Arnel Piil at marami pa ring iba.
Sa mga subscriber namin na kukulangin ang espasyo bagama’t di namin nabanggit ang inyong mga pangalan ay alam naming makakarating din sa inyo ang aming marubdob na pasasalamat. Sa mga tumatangkilik at nagbabasa ng ating diyaryo na linggo-linggong may laang sampung piso para dito – maraming maraming salamat po!
Hiling namin sa Diyos na siyang tunay na  pinanggalingan ng lahat ng biyaya at tagumpay na patuloy sana kaming gabayan sa pagtaguyod at pamamahala ng Amianan Balita Ngayon upang lumawig pa at magtagal kami nang sa gayon ay makapaglingkod pa at makapagbigay serbisyo sa tao at pamayanan.Muli ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat! PMCJR.

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

NO STORY

NO STORY

Ang mga “informer” ay kadalasang ginagamit sa mga kaso ng organisadong krimen. Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC),...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest