PARCEL NG SHABU NATIKLO SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Arestado ang isang construction worker na High Value Individual drug personality habang may bitbit na parsela na naglalaman ng shabu sa interdiction ng pulisya sa Quirino Highway, Barangay
San Luis, Baguio City, noong Hunyo 19. Hindi na nakatakas ang suspek na si Joel Tiberio, 52, ng Lower Fairview, Baguio City, nang bigla itong lapitan ng naghihintay na mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit, nang tanggapin ang isang parsela na galing sa Bulacan.

Kinamot ng isang K9 unit ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at nakita ang bag na naglalaman ng package na nagpapahiwatig ng posibleng droga. Nang buksan ang pakete, nakita sa loob ng wireless speaker ang isang plastic na naglalaman ng 50.9 gramo ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P346,120.00. Ayon sa pulisya, ang pagkakadiskubre sa bagong modus ng sindikato ng droga ay nagmula sa tip ng dating naarestong high value target na nagkukumpirma ng isang pakete na ihahatid sa kanyang source mula sa Bulacan.

Nasamsam sa suspek ang isang itim na wireless speaker, isang wireless speaker box, isang puting papel (ginagamit bilang wrapper), isang LBC cartoon box at isang back pack. Ang operasyon at
Inventory ay isinagawa on-site na sinaksihan ni Barangay Kagawad Joseph Domiong ng Barangay San Luis, Baguio City at kinatawan ng media.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon