PASKO NA, AKING SINTA

ANUMAN ang unos na dumarating, isayaw ko lang sa bawat patak ng ulan. Ito ang karaniwang kasabihan na paboritong paalala ng ating mga magulang at maging mga ninunong nakagisnan. Nag-aaral pa lang, ito rin ang mga pangaral na madalas nating marinig sa mga gutong ating mga pangalawang magulang. Anuman ang unos, hayaan
nating daanan tayo, ipaubaya nating tahakin ang landas na kanyang babagtasin. At habang nilalandas ang daraanan, mabuti pang makisayaw sa tugtuging dulot ng ulan.

Kasi nga naman, walang idudulot na kabutihan ang pagmukmok habang nananalasa ang sungit ng panahon. Ang pagbuhos ng ulan, ihalintulad na lamang na luhang galing sa langit at pandilig sa natutuyong lupa. Hayaang basain ang lupang pinagtuyuan. Ganyan naman ang agos ng buhay. May pagkakataon na pinagkakait ng dilig ng langit. May panahon namang kailangang sumilong sa hampas ng init ng araw.

Ang maagap na gawin at palipasin lamang ang dumadagsang init ng slob o ang humahampas na daluyong ng mala-yelong katubigan Kaya naman sa ganyan mga panahon – na panapanahon lang – ugaliing mskisayaw, makiindak, at salubungin ng buong tatag ang hampas ng langit, ng bumubuhos na ulan, ng pagsusungit at pananalasa. Salubungin ang panahon, dahil sa isang iglap, lalampas din iyan. Tanggapin ang luhang sa langit ang pinanggakingan, dahil sa isang kurap, liliipas din yan.

Ang lamig ay kailangan din sa katawang napagruyuan. Ang init naman ay para sa mga pusong kay daling
pinanlalamigan. Bumabagyo man, iwaksi ang agam-agam at pangamba. Hindi hihinto ang daloy ng buhay. Ang panahon ay tuloy-tuloy lang. Bago ka man kumurap, may bagong kabanatang haharapin. Pasko na – panahon na ng
pakikipagniig, ng pagtuldok sa hindi pagkajasundo, o ng pagpapaliban sa kasunduang tila may iglap sa kasalukuyan. Pasko ko, hirang ko! Hayaan ng yakapin ito ng buong tapat upang yumabong pa ang panahon ng pagbibigay at pagpapatawad.

Amianan Balita Ngayon