PASTOR NA MAY KASONG MURDER SA BENGUET, NADAKIP SA ABRA

LA TRINIDAD, Benguet

Isang Pastor na tinaguriang No.2 Regional Top Most Wanted Person, na may kasong Murder, ang nadakip ng mga tracker team ng Itogon Municipal Police Station sa Sitio Balantog, Barangay Poblacion, Luba Abra,noong Enero 18. Kinilala ang nadakip na si Melchor Langbayan Balance,60, alyas Commander Kawar, dating commander ng binuwag na Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) at residente ng Barangay Ololingen Villaviciosa, Abra.

Nabatid kay Col.Damian Olsim, provincial director ng Benguet Provincial Police Office, mula pa ng taong 2015 ay pinaghahanap na ang suspek hanggang maitala ito bilang regional top most wanted person noong 2019. Ayon kay Damian, nakataggap ng impormasyon ang Itogon MPS sa kinaroroonan ng suspek,kaya agad na nagsagawa ng operasyon,kasama ang mga operatiba ng
Regional, Benguet at Abra Provincial Intelligence Unit at 1504th Regional Mobile Force Battalion 15. Ang pagkakadakip sa suspek ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Marso 20,2014 ni Judge Jennifer P. Humiding, Presiding Judge of Branh 63, Regional Trial Court, La Trinidad,
Benguet sa kasong Murder na walang piyansa.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon