PATATAGIN ANG ERC PARA SA MAS MAAYOS NA SUPLAY NG KURYENTE – SEN. PIA

Dininig ngayong araw ang panukalang paigtingin pa ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA, sa pangunguna ni Senadora Pia S. Cayetano,
Chairperson ng Senate Committee on Energy. Tinalakay sa hearing ang pangangailangan na busisiin at ma-amyendahan ang nasabing batas bunsod ng patuloy na mga isyu sa industriya ng kuryente sa bansa tulad na
lamang ng madalas na brownout at mataas na presyo ng kuryente.

Giit ni Senadora Cayetano, “Our goal is that people have access to electricity in a reliable manner and not in intermittent energy. And we need our regulatory bodies to react quickly and not three years later and not five years later.” Naging paksa sa hearing ang pagsasaayos ng mga proseso sa loob ng ERC, na itinuturong isa sa mga punong
problema sa sektor. Kapwa nagbahagi ng kani-kanilang mga saloobin ang mga dumalong miyembro ng mga Ahensya at Stakeholders, at itinuro ang mabagal na proseso pati na ang matagal na pagdedesisyon sa mga nakabinbin na applications at mga kaso sa ERC.

“This measure will provide for pricing benchmarks and more efficient regulatory practices,” paliwanag ng Senadora. “Our goal is to ensure a dependable energy supply and, ultimately, achieve energy security for our country.” Nanindigan din ang Senadora na prayoridad na balansehin ang interes ng mga stakeholders at ang kapakanan ng mga mamamayan. “It is urgent for us to pass the bill that empowers, regulates, and streamlines the ERC’s roles,
jurisdictions, or wherever is needed” dagdag pa niya. Nauna nang binanggit ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsusuri sa EPIRA noong kanyang ikatlong SONA, at hinimok ang Kongreso na pag-aralan ito.

Amianan Balita Ngayon