Patayin ang ahas na nasa laylayan

Apr 1, 2017

Sa Pilipinas ang barangay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan ng sistemang politikal ng bansa. Bagama’t sa konsepto ay “apolitical” o walang kiling ito sa politika ay nagsisilbi itong mahalaga at mabuting kasangkapan sa pamumuno ng mga lider sa itaas. Ang barangay din ang unang depensa sa ibabang lebelo ng komunidad. Mula pa noon ay napakahalaga na ang turing sa barangay dahil dito nanggagaling ang tunay na boses at pulso ng bayan.
Sa kasalukuyan ay binubuo ng 42,000 barangay ang Pilipinas, samakatuwid ay 42,000 punong barangay at 294,000 na barangay kagawad – isang malaking puwersa kapag ang bilang na ito ay napasakop sa iisang adhikain.
Ilang beses nang ipinagpaliban ang halalan sa barangay at sa pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nais niyang ipagpaliban uli ito hanggang 2020 at sa halip ay magtatalaga na lamang muna ng “caretaker” o pansamantalang uupo bilang mga Punong Barangay. Nahati ang mga pananaw at posisyon ng mga tao at mismong mga opisyal ng bansa at sa mga barangay officials na maapektuhan.
Ang dahilan ng pangulo na ipagpaliban ito ay ang nakakagulat at nakakabahalang rebelasyon nito na nasa 40 porsiyento ng mga barangay officials ay sangkot sa ipinagbabawal na droga. Sa kaniyang malawakan at maigting na kampanya laban sa droga, ang karagdagang bilang na ito at sa mga mismong kaagapay sana ng gobyerno upang masawata ang problema sa droga ay lubhang napakabigat sa kaniyang balikat, maliban pa ang araw-araw na batikos sa kaniya. Kung sa panahon nga namang ito at kung matuloy ang halalan sa barangay at SK sa Oktubre ay mas malaking problema nga naman ang haharapin dahil baka (at nakakatiyak siya) mananalo uli ang mga opisyal na sangkot sa droga dahil sa puwersa ng salaping ikakalat ng droga. Sa ganitong sitwasyon ay sa halip na masawata o maibsan man lng ang problema ay tuloy- tuloy pa rin ito dahil sa mga uupong akala’y kasangga yun pala’y mga bantay-salakay.
Maaaring taliwas sa Saligang Batas ang pagtatalaga ng mga punong barangay subalit sa mga panahong lubhang kritikal ay mayroon ding karapatan ang pangulo at prerogatibong mag-utos ng ayon sa kaniya ay mas makakabuti sa pangkalahatan. Sa mga nakalipas ng mga rehimen bagama’t tahasan din nilang sinabing kontra sila sa ilegal na droga at may kani-kaniyang programa ukol dito ay wala ni isa man sa kanila ang may matigas na paninindigang isulong ito at gumawa ng aksiyon. Ngayong nalantad nang ganito pala katindi ang talamak ng droga ay mayroong isang pangulong handang isaalang-alang ang lahat pati ang kaniyang posisyon mabigyan lamang ng solusyon at mahinto na ang problema sa droga ay umaani pa ng kabi-kabilang batikos dito at maging sa ibang bansa at mga grupo.
Ano ba talaga ang gusto ng mga oposisyon, ang matigil ang problema sa droga o ang makinabang sila sa problema na dulot ng droga? Sabi nga nila, kung nais patayin ang ahas ay sa ulo ito tagpasin. Subalit sa pagkakataong ito ang ulo ay nasa laylayan. Pmcjr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest