BAGUIO CITY – Dalawang government hospitals ang tumanggap ng financial assistance mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office, bilang karagdagang pondo para sa mga kagamitan para sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Iniabot ni PCSO Branch Manager Dr.Emeili Pampuan-Dancel ang cash check na tig-P2.5 million kay Dr.Ricardo Runez, medical chief ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) at Dr.Meliarazon Dulay, acting chief of hospital ng Benguet General Hospital (BeGH).
Ayon kay Dancel, ang nasabing halaga ay puwedeng gamitin ng hospital sa pambili ng karagdagang medical equipment at iba pang pangunahing kagamitan para sa mga pasyente ng COVID-19.
Aniya, ang nasabing halaga ay bahagi sng P447 million na pondo ng PCSO a ilalim ng Charity Fund Calamity Assistance Program (CAP)
financial grant sa may 81 government hospitals sa bansa na ang layunin ay madagdagan ang financial capability para sa kanilang mga COVID 19 patients.
“ Labis kaming nagpapasalamat sa PCSO at napakalaking tulong ito para makabili kami agad ng ventillators at mga PPEs procurement na magagamit ng aming COVID patients at medical staffs,” pahayag ni Dr.Runez.
Ayon naman kay Dr.Dulay, kailangan din kanilang hospital ang ventillators at mga karagdagang medical equipment at labis ding nagpahayag ng pasasalamat sa PCSO sa ponding ipinagkaloob sa kanila.
Zaldy Comanda/ABN
April 11, 2020
September 2, 2024
August 26, 2024
August 20, 2024