TABUK CITY, Kalinga
Isang 45-anyos na bitbit ang P9.62 milyong halaga ng dried marijuana bricks ang nasakote sa buy bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya sa Barangay Bulo,Tabuk City,Kalinga, noong Agosto 11. Ayon sa PDEA Kalinga Provincial Office, ang suspek na tubong Barangay Butbut,Tinglayan,Kalinga, ay naging kanilang ka-transakyon sa pagbebenta nito ng marijuana, hanggang magkasundo sa presyo at lugar na pagkakitaan.
Dakong alas 8:35 ng gabi ng magkasundong magkita ang suspek at poseur-buyer at narekober sa kanya ang 83 piraso ng marijuana bricks, na may timbang na 83,000 grams at nagkakahalagang P9,960,000. Pinuri ni PDEA CAR Regional Director Laurefel P. Gabales ang magkasanib na law enforcement sa matagumpay na operasyon lavab sa iligal na droga. “Ito ang pinakamalaking pag-agaw ng marijuana sa pamamagitan ng buy-bust operation na naganap mula noong simula ng taon.
Zaldy Comanda/ABN
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024