Petisyon ng market vendors laban sa lungsod, ibinasura ng korte

Mar 2, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Hindi kinatigan ng Regional Trial Court Branch 7 ang hiling ng isang grupo ng mga umuupa ng pwesto sa palengke upang pansamantalang pigilan ang pagpapatupad sa utos ni Mayor Mauricio Domogan na nagpapaalis sa kanila sa loteng pag-aari ng lungsod sa Kayang at Hilltop.
Sa desisyon na inilabas ni Judge Mona Lisa Tabora ng RTC Branch 7, ay hindi kailangang makitaan ng cause of action for specific performance ang lokal na pamahaalan ng Baguio dahil umpisa pa lang umano ay wala nang naipakitang kontrata ang mga complainant.
Ang grupo ng complainant na pinangungunahan ni Maria Josephine Nunez na isa sa mga tumangging mag-renew ng kanilang mga kontrata sa ilalim ng bagong lease terms na inaalok ng lokal na pamahalaan ng Baguio sa kabila ng mga naganap na negosasyon at pinalawig na deadlines.
Ayon sa korte, ang action for specific performance ay nakabase sa isang balidong kontrata ngunit ang nasabing kontrata sa pagitan ng mga sangkot na grupo ay expired na noong December 31, 2015 pa.
Ayon pa sa lokal na pamahalaan ng Baguio, bago pa mag-expire ang kontrata ay inalok na nila ang mga vendors na magrenew na ng kanilang mga kontrata, ngunit tumanggi ang mga complainant.
Hindi naman sinang-ayunan ng korte ang depensa ng mga complainant na diumano ay na-renew na ang kanilang kontrata dahil sa buwanan nilang pagbabayad ng upa sa gobyerno kahit na expired na ang kanilang mga kontrata.
Base sa Article 1687 ng Civil Code, dahil buwanang nagbabayad ang mga complainant ng upa sa palengke, ang kanilang period of lease ay magiging month to month basis matapos ang expiration ng kanilang kontrata.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Baguio, dahil pagmamay-ari ng siyudad sa mga loteng inuukupa ng mga complainant, mayroong karapatan ang lokal na pamahalaan na piliin ang mga obligasyong nakapaloob sa kontrata na dapat ipatupad.
Legal umano ang ginawa ng lokal na pamahalaan ng siyudad nang hindi nila i-renew ang kontrata ng mga complainant dahil tinanggihan ng mga ito na sumunod sa mga obligasyong nakapaloob sa bagong kontrata.
Sa nakaraang 47 na taon, nasa 25 centavos per square meter kada araw ang upa sa mga pwesto sa palengke at ngayon ay itinaas ito sa P75. RC BJON C. CATACUTAN, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest