PEZA at BLISTT magsasama para sa economic zone expansion

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ay humihiling sa mga mayor ng mga munisipalidad na malapit ditto na tumulong maghanap ng mga lugar na maaaring maging economic zone expansions at ang lungsod na magbigay ng kinakailangang manpower.
“Lahat ng mga may lupa public or private iniimbitahan naming i apply nila to become an economic zone para mautilize at ma-spread natin ang mga industries,” pahayag ni PEZA Director General Charito Plaza sa ginawang pirmahan ng memorandum of agreement sa local government chief executives noong Biyernes.
Sinabi ni Plaza na ang posibleng economic zones ay maaaring kasama ang public lands na pag-aari ng local government units (LGUs) at national government, ang lupang may ancestral domain status, military reservation areas, at mga bakanteng lupa ng mga state colleges at universities.
“We will be able to spread not just the industry but the job and we will attain total development,” aniya.
Nag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 17, 2019 ng Administrative Order No. 18 na may pamagat na
“Accelerating rural progress through robust development of special economic zones in the countryside.”
Inuutusan ng AO ang mga ahensiya ng gobyerno na magbigay ng kinakailangang interventions upang mapalakas ang ecozones at masiguro na ang development ng backward at forward linkages ng mga industriya sa loob at palibot ng ecozones.
Sinabi ni Plaza na ang mga malalapit na munisipalidad sa Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay (BLISST) area ay maaaring sumali sa 105 LGUs sa buong bansa na host ng mga economic zones.
Ayon pa kay Plaza ang Benguet ay may malaking industriya sa agrikultura ngunit nahaharap sa isang problema sa marketing at sales ng mga produkto nito, na maaaring tugunan ng economic zones.
Sa pamamagitan ng AO 18, ang PEZA ay nakagiya tungo sa paglalagay ng economic zones na nakatutok sa non-industrial activities, lalo na patungo sa agrikultura, ecology-agriculture, tourism, agriculture-tourism at iba pa na hindi direktang nakaugnay sa industrial activities.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na siya ring BLISTT chairman na tutulungan nila ang mga kalapit na munisipalidad sa pagbubukas ng sarili nilang economic zones na ang Baguio ay kasalukuyang timatamasa na ang benepisyo ng pagiging host sa PEZA.
Sinabi rin niya na hindi na kayang mag-expand ng lungsod dahil sa kakulangan ng lugar at pagsisikip.“It would be impractical for Baguio City to open up economic zones because we are already congested. We will just help our neighbors by attracting investors,” aniya.
“By helping other municipalities sustain their growth, it will also help Baguio address problems with traffic, tourist population, and resources as Baguio is already one of the places with the highest population density,” dagdag pa niya.
Sinabi niya na may plano ang Sablan na magbubukas ng sarili nilang economic zone sa isang 60-ektaryang lupain. Nakakabit na ito sa PEZA ngunit ang aktibidad ay inisyal na mag-uumpisa sa 10 ektarya, aniya. Sinabi ni Magalong na ang partnership, ang BLISTT at PEZA ay maaaring magkasamang magtrabaho para sa proteksiyon ng economic zones, sisiguruhing walang manghihimasok, at i-recover ang ibang pag-aari, at mag-imbita ng mas maraming investors.
 
LA-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon